SHAIRA Gabi na ng magising ako at gumulantang sa akin ang balitang namatay umano ang asawa ni Leo Montenegro bagay na hindi ko alam na may asawa pala ito dahil para itong lulubog-litaw sa paningin ko. Hindi ko kasi ito nakikita at mukhang laging nakakulong. Hindi ko alam na may asawa pala itong kasama sa bahay dahil si Liam at Lyndon lang ang malimit kong makita. Kung pribado ang buhay ni Liam ay mukhang higit pa doon ang kapatid. Ano kayang meron sa pamilya nila at tila kay ilap nilang lahat sa publiko? Heto ako, kasama ni Lyndon na dumalaw sa pamilyang nagluluksa. Kita ko kung gaano ka lungkot ang lahat, bagay na naging dahilan para kumirot ang sugat sa puso ko. Hindi ko nagawa na magtagal sa loob dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako at hindi makahinga kaya nagpaalam ako kay Lynd

