HINDI MAWALA ANG NGITI KO HABANG NAKAHIGA. Nakatagilid pa ako at nakatingin sa ibaba kung saan nakalapag ang banig at comforter na kinahihigaan ni Leon ngayon. Kagaya ko ay nakatagilid din siya at nakangiting nakatingin sa akin. Ilang saglit lang ay inabot niya ang kamay niya sa akin kaya agad naman akong humawak doon. It feels so good to finally reconcile with him and act in love, just like what we used to do. Hindi ko naman kailangang magsinungaling na sobra ko siyang na-miss. Na-miss ko iyong paglalambing niya sa akin, mga yakap at halik niya, at lahat ng bagay tungkol sa kanya. “Pangako, hindi ko na uulitin ang katangahang ginawa ko. Ikaw at ikaw lang ang paniniwalaan ko,” puno ng lambing na saad niya. “Huwag na nating pag-usapan iyon, Leon. Ang mahalaga siguro sa lahat ng nangyari