Chapter 68

2120 Words

AGAD NAMAN AKONG PUMASOK SA KUWARTO KO. Wala roon si Leon pero rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa loob ng banyo kaya alam kong naroon siya. Hinayaan ko na lang siya at humiga na sa kama ko, ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng kuwarto ko at nakita kong pumasok siya habang basa ang buhok at walang suot na pang-itaas na damit. Hindi naman ako nag-iwas ng tingin na siyang ikinakunot ng noo niya, pero hindi pa rin niya ako pinansin. Naglakad lang siya papunta sa bag niya tapos ay kumuha agad ng isang tee shirt doon. Saka ko lang napansin na hindi pala niya nilagay sa closet ko ang mga gamit niya. Nang maisuot na niya ang tee shirt ay lumabas din siya agad sa kuwarto ko. Mahina naman akong natawa pagkaalis niya kasi halata na siya naman ang nagpapabebe ngayon. Pero bahala siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD