NAKATULOG AKO HABANG YAKAP AKO NI LEON. I think it was around four in the afternoon when I woke up. Nasa tabi ko pa rin naman si Leon no’ng mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang nakasandal sa headboard ng kama habang hawak ang remote control at nanunuod ng NBA sa TV. Nang bahagya akong gumalaw ay napalingon siya sa akin at napangiti nang makitang mulat na ang mga mata ko. “Did you sleep well, love?” malambing na tanong niya. Marahan pa niya akong hinila palapit sa kanya para bahagya ring umupo sa kama at sumandal naman ako sa dibdib niya, tapos ay binigyan niya ako ng malambot na halik sa kaliwang pisngi ko. “Oo, ang sarap talaga matulog dito,” medyo inaantok na sagot ko pa. “Hindi lang pagtulog ang masarap na gawin dito,” may halong kalokohan na saad niya kaya agad akong umupo ng maay