NAPALINGON KAMI NI LEON SA ISA’T ISA AT SABAY NA NAPANGITI. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa inilatag niyang kumot sa buhanginan at sinamahan sila habang nag-iinuman sila. Magkatabi kami ngayon, nasa kaliwang banda niya ako, nasa kaliwang banda ko naman si Joy na ngayon ay umiinom din ng isang ladies drink, tapos ay katabi niya si Lando. Sa harap naman namin ay si Tatay at si Tay Kanor na parehong nakaupo sa isang natuyong katawan ng puno na nagsisilbing isa sa mga upuang nakapalibot sa bonfire. I think it’s around eight in the evening, sina Nanay at Tita naman ay nagpasyang panuorin na lang sa loob iyong mga teleserye na tuwing gabi nilang inaabangan. “Kanino po pala iyong bakanteng lote sa tabi ng bahay niyo, Tay?” tanong ni Leon kay Tatay. Kanina pa sila nagkukuwentuhantungkol sa