HINDI alam ni Jean kung ano ang kasalanan nila sa matandang kalalabas lang sa kwartong kinaroroonan nilang magpapamilya. Wala siyang matandaan na atraso nila rito at mas lalong hindi nila ito kilala kaya ano ang rason nito para kidnap-in sila? Kung ransom ang pakay nito ay sigurado na alam nito na wala silang kapera-pera. Pwedeng misktaken identity lang ang nangyari. Pero hindi e, tila sigurado ito sa pagkakadampot sa kanila. Isang buong araw na ang nakakalipas ngunit isang beses lang sila pinakain. Halos hindi pa masikmura ang gulay na binigay sa kanila. Umiiyak ang kanyang anak pero hindi na sa takot kundi dahil sa gutom. Nakiusap siya sa nagbabantay sa kanila na bigyan sila ng pagkain pero suntok lang ang natamo. Putok na ang labi niya at may blackeye. Hindi rin matapos-tapos ang luha