Chapter 42 3rd Person's POV "Dad!" ani ni Loki at nagtaas ng kamay matapos makita ang emperor. Hinila ng emperor ang kwelyo ng suot ng batang lalaki pataas. "Ikaw— balak mo bang ipahamak ang mom mo?" ani ng emperor ay parang pusa na binitbit ang batang lalaki. "Dad!" ulit ng batang lalaki. Inagaw ni Gallema si Loki at tiningnan ng masama ang emperor. "Ganiyan ka ba bumitbit ng bata at tumingin sa magiging anak mo?" ani ni Gallema. Napatigil ang emperor matapos marinig iyon. "Ayan ba si Loki?" tanong ng emperor. Bumuga ng hangin si Gallema at tiningnan ang batang si Loki na inaabot sina Jane. "Wala siyang naalala at bumalik ulit siya sa pagiging 3 years old," ani ni Gallema. Hindi nakaimik ang emperor matapos makita ang lungkot sa mukha ni Gallema. "Mabuti naman iyon diba?"