Chapter 41 3rd Person's POV Nagtataka si Gallema ngunit pumayag na din siya matapos mag-makaawa ni Thadeus na bahala na sila sa punishment at sumunod na sa emperor. "Mavis pwede ka ba makausap?" tanong ni Gallema. Tumigil ang emperor sa paglalakad at nilingon si Gallema. "Pawisan ka mahal na prinsesa. Mas mabuting magpalit ka muna ng kasuotan then pumunta ka sa opisina ko," ani ni Mavis. Lumiwanag ang mukha ni Gallema matapos marinig iyon. "Masusunod mahal na emperor," ani ni Gallema na may ngiti sa labi. Napatigil ang emperor matapos mapahawak sa dibdib. Nag-iba-iba ang kulay ng mata nito at nagkakaroon ng kaliskis ng dragon sa bahagi ng leeg at likod ng palad ng emperor. "Prinsesa! Lumayo ka sandali," ani ng ilang tagapaglingkod. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakita nil