KABANATA 35: Valerie’s Point of View: DALAWANG taon na ang nakalipas. Hindi ko akalain na ganoon kabilis ang takbo ng mga araw na umabot na ako sa puntong ‘to. Masaya ako na tama ang pinili kong landas, at lahat ng pinaghirapan ko ay nagbunga na rin sa wakas. “Welcome home, Mama!” Sabay-sabay naming bati sa kanya nang sa wakas ay nakauwi na rin siya rito sa bahay namin matapos ang dalawang taon niyang pagkakakulong. Pumayat si Mama pero ayos lang, ang importante ay malinis na siya at handa na raw siyang magbago para sa aming magkakapatid. “Ang bilis ng panahon, binata na ang Vlad ko at may isang taon na akong apo!” bulalas niya. Napangiti ako nang yakapin ni Mama si Vlad pati na rin ang apo niyang si Nicky, anak ni Vanessa. Sa loob ng dalawang taon, hindi talaga nagparamdam iyong