KABANATA 34: ITO na yata ang pinakamasakit na pagtawag sa aking pokpok. Ilang beses na akong nakarinig na tinawag akong pokpok, tinawag akong malandi at kung ano-ano pa. Pero mas masakit pala kapag nanggaling sa babaeng galing sa yaman at karangyaan. Pakiramdam ko ay inapakan ang pagkatao ko at wala akong magawa dahil ano ba ang iyayabang ko sa kanya? Totoo namang pokpok ako. “Magkano po ang ibibigay mo sa akin?” tanong ko. Gumuhit ang nang-iinsultong ngiti sa kanyang labi. “Talagang interesado kang bayaran kita, ano?” Hindi ako kumibo. Sa pagkakataong ito, iniisip ko na lang ang magiging benepisyo ko. Kung tatanggapin ko ang perang iaalok niya pwede akong magsimula sa malayo kasama ang mga kapatid ko. “I will send it to your bank account,” sagot niya. Kahit labag sa loob ko, tinangg