KABANATA 33: KONTENTO na ako sa kung ano man ang mayroon sa amin ni Sir Gideon. Ayos na sa akin na palagi siyang nand’yan sa tuwing may sayaw ako at handa siyang bayaran ang gabi ko para lang makasama ako. Kahit pa may pagkakataong nakokonsensya ako kasi may fiancee na siya at nag-aaksaya siya ng pera at panahon para sa akin. Siya ang ni-lu-look forward ko sa gabi-gabing pagpasok ko sa trabaho at ngayong gabi, ganoong din. Ngunit iba ang inaasahan ko ngayon. Imbes na si Sir Gideon ang maabutan kong nasa lamesang madalas niyang okupahin, isang babae ang naroon. Natatandaan ko ang mukha niya, siya iyong babaeng nakasakay sa kulay pink na kotse. Nakapagtataka, bakit pumasok siya sa lugar na ito samantalang babae siya? Bisexual ba siya? “Girl, first time ito na wala si Sir Gideon,” bulong