KABANATA 10:
I SILENTLY sipped on the glass of wine while scrolling through my phone, browsing through the internet to check my ex-girlfriend’s social media account.
This woman is the reason why I don't let women get in my life. Habang tinitingnan ko ang pictures niya kasama ang anak at asawa niya, I realized that it was just me who didn't moved on from the past. Why can’t I, anyway? When she’s the one who cheated?
Muli akong lumagok sa baso ng wine kasunod ng pag-upo ni Matias sa katabing upuan ko. Nasa wet bar ako sa loob ng bahay at tinawagan ko si Matias na kasalukuyang nandito sa Manila para naman kahit papaano, makita ko siya habang nandito siya sa Manila.
“Anong problema?” bungad na tanong niya.
Nilingon ko siya matapos kong uminom sa baso ng wine. Instead of answering him right away, I took a glass for him and poured wine on it.
“Bakit parang babae yata ang dahilan?” aniya sa natatawang tono.
I couldn’t help but burst into laughter. Ang galing talagang manghula ng mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid na lalaki, isang babae. At sa tatlong lalaking kapatid ko, dalawa ang pwede kong lapitan sa ganitong sitwasyon; si Kuya Vito at si Matias. Kuya Vito is an ultimate womanizer but I couldn’t ask him because I knew he will just tease me, unlike Matias who’s younger than me and has respect on me.
“I hired a stripper to teach me how s*x works,” I replied.
Halos masamid siya sa iniinom na wine. His eyes still widened, he looked at me with confusion.
“Damn, what the heck are you thinking, Kuya?” gulantang na tanong niya. “Are you still…”
When he couldn’t continue what he was about to say I just nodded. “Yeah.”
Pigil ang tawa niyang tinakpan ang bibig. Alam kong matatawa siya nang ganito, kasi kahit ako natatawa rin sa sitwasyon ko. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon, na aabutin ako ng ganitong edad, wala pa rin talaga.
“Anong problema? Ibig sabihin ba niyan hindi ka na virgin?”
Umiling ako. “Virgin pa rin. That’s why I called you here.”
“What? You hired a stripper to teach you, but you’re still a virgin? Ano ba naman ‘yan, Kuya!”
“I f****d her mouth, does that count?”
Nasapo niya ang kanyang noo sa narinig. Hindi yata makapaniwala na pwede akong magsalita nang ganito. I’ve always been so good when it comes to my siblings. Kuya Vito act like he’s younger than me so I stood up as the oldest brother. Kaya nakakailang ang ganito.
“What happened after you f****d her mouth? I’m sure you continued on the real…”
“No, I stopped her,” I chuckled. “I told her to stop and she can go home. When in fact I still want to continue.”
“Gago ka, Kuya! Sigurado akong nabitin iyon. Bakit ba kasi?”
“Well… I’m still holding on to marrying a woman before I devirginized.”
His loud laugh echoed around the room which embarrassed me. Bakit nga ba kasi gusto kong magpakasal na muna bago iyon? Kung maghihintay siguro ako na may magpakasal sa akin, kailan pa ba?
—
Valerie’s POV:
“Ay girl, masikip na siguro ulit ang kipay mo!” Bulalas ni Sazha matapos kong ikwento sa kanila na wala pa rin talagang nangyayaring maganda sa amin ni Sir Gideon.
Akala ko pa naman, kagabi na ang right time para may mangyari sa amin pero hindi iyon nangyari dahil pagkatapos niyang maligayahan sa bibig ko, pinauwi na niya ako! Sa pagkakatanda ko, ginawa ko naman ang best ko, ah!
“Girl, baka naman hindi masarap ang pagkakasubo mo?”
Umikot ang mga mata ko saka dinampot ang baso ng okinawa milktea na in-order namin dito sa kabilang kalye mula sa Reddish Club.
“Ay aba, ano pa bang klaseng subo ang gusto niya? E halos tumirik na nga ang mata sa sobrang sarap. Halos mapunit na nga ang anit ko sa pagkakasabunot niya, e. Kaya imposibleng hindi siya nasarapan!”
“O baka naman mabaho ka?”
Mas lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Rina. “Nag-shower ako bago ko sinubo ‘yong anes niya kaya huwag siyang ano.”
“Baka walang condom? Next time magdala ka.”
Bumuntonghininga ako at tinigila na ang pag-iisip kung ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako tinotnak ni Sir Gideon kagabi. Hindi naman sa hayok na hayok talaga akong magpatusok sa kanya, pero kasi ready’ng ready na ako. Excited na akong matikman ang 7.5 inches niyang anes, oo sinukat ko talaga! Hindi pa ako nakakatikim ng ganoon sa tanang buhay ko dahil karaniwang 3 inches lang ang nasubukan ko. Ano kayang pakiramdam na masundot hanggang matres?
“E ‘di ba maglilinis ka ulit mamaya? Ang gawin mo, mag-ready ka na ‘te! Ay may binili akong perfume para sa kipay, gusto mo? Bili na lang ako ulit,” ani Sazha.
“Maaamoy niya ba ‘yan nang hindi lumalapit sa kipay ko?”
“Ay ‘te, hindi ko na problema ‘yon. Kung kinakailangan bumukaka ka sa harap niya, gawin mo na!”
Mabilis na umiling ako. “Bahala na! Ayaw ko na isipin iyan. Tutal siya naman ang nagbayad sa akin, siya na ang bahala kung kailan niya gusto. Baka mamaya hindi pa pala ready iyong tao.”
“Tama, tama.” Tatango-tangong sagot ni Rina.
Magsasalita pa sana si Sazha pero hindi na niya natapos nang bigla na lang may naupo sa tabi ko, si Dix. Hinihingal pa siya nang tumabi sa akin, halatang nagmamadali.
“Bakit hindi ka nakikipagkita sa akin? Dalawang Linggo na kitang hindi nakikita, puro sila lang ang kinakausap mo,” aniya.
Pare-parehing napataas ang kilay naming tatlo bago siya tinawanan. Si Dix ay kaibigan ko, pero hindi namin siya isinasama kapag ganito ang usapan naming tatlo. Dahil siguradong pupugpugin niya lang kami ng pangaral.
Matapos maging awkward ang usapan dahil dumating bigla si Dix, nagpasya na silang umuwi dahil gusto na nilang magpahinga, may duty pa kasi mamaya. Habang ako naman, nagpresinta si Dix na ihatid ako sa bahay ni Sir Gideon para daw alam niya kung saan ako pupuntahan kung sakali mang humingi ako ng tulong. Wala pa rin talaga siyang tiwala kay Sir Gideon at over protective pa rin talaga ang kaibigan kong ito.
Nakayakap ako sa kanya habang nagmamaneho siya ng motorsiklo. Hindi naman na kami nagkakailangan ni Dix dahil palagi niya rin akong hinahatid noon. Pero ngayon, ewan ko kung bakit kinakabahan ako… hanggang sa makarating kami sa bahay ni Sir Gideon.
At saka lang ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya nang huminto na ang motor niya. Kaagad akong bumaba sa motor saka inalis ang suot kong helmet, ganoon din siya. Lumibot ang tingin niya sa bahay ni Sir Gideon, kita ang pagkamangha sa kanyang mga mata.
“Ang yaman nga,” mahinang sabi niya. Saka niya ako nilingon. “Basta kapag may nangyaring masama, tawagan mo ako kaagad.”
Tumango ako at iniabot sa kanya ang helmet. “Salamat sa paghatid!”
Nang kinuha ko na ang bag kong nakasabit sa harap ng motor niya, halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang baritonong boses ni Sir Gideon mula sa likuran ko.
“You’re late, Valerie.”
Teka… dapat mamayang gabi pa siya uuwi, e.