KABANATA 11:

1303 Words
KABANATA 11: SAGLIT AKONG hindi nakagalaw nang marinig ang boses ni Sir Gideon. Wala naman siyang sinabing eksaktong oras kung anong oras ako dapat pumunta rito kaya bakit sinasabi niyang late ako? “Valerie.” Saka pa lang ako lumingon sa kanya sa pangalawang tawag niya sa akin. Grabe ang kabog ng dibdib ko, para akong nahuling nanlalalaki samantalang kaibigan ko lang naman si Dix! Paano ba naman kasi, grabe ang titig niya sa akin, para akong tinutunaw. “S-sorry po, Sir. Wala naman po kasi kayong sinabing specific time kung anong oras ako dapat dumating,” sagot ko. Masungit na nag-angat siya ng tingin kay Dix. “Boyfriend mo?” Agad-agad akong umiling. “Hindi, Sir. Katrabaho ko lang po noon sa Strip Club. Hinatid lang ako.” Nanliit ang mga mata niya na para bang hindi naniniwala sa akin. Kinabahan pa ako lalo dahil maging si Dix ay masungit ang mukha, alam ko ang itsura ng Dix na galit! Marahan akong natawa at tuluyan nang inabot kay Dix ang helmet. “Uwi ka na, Dix. Salamat sa paghatid!” mabilis na sabi ko. Bumaba ang tingin ni Dix sa akin saka ngumisi. “Sige, sa uulitin.” Pinanlakihan ko siya ng mata para sabihin na hindi na ito mauulit. Dahil nakakatakot ang itsura ngayon ni Sir Gideon, parang kakainin niya na ako nang buhay! Ayos sana kung iyong kuting ko ang kainin niya, e. Tuluyan na ngang umalis si Dix at naiwan kami ni Sir Gideon na nakatayo sa harap ng gate ng bahay niya. Doon ko pa lang napansin iyong sasakyan niyang nakaparada sa tabi niya at saka ko lang din napansin ang babaeng naroon, nakabusangot siyang nakatingin sa amin. Maganda ang babaeng iyon, malayong malayo ang kutis niya kaysa sa akin. Oo, walang peklat ng kagat ng lamok ang balat ko pero iyong sa kanya, halatang alagang mamahaling lotion. At ang mukha, nahiyang bumukas ang pores! Glass skin! “Open the gate for us,” masungit na utos niya. Sumunod rin naman ako kahit na may guard naman nang nagbukas ng gate para sa kanila nang bumalik siya sa kotse at paandarin iyon sa loob. Sumunod ako sa loob nang sabihan niya akong simulan ko na ang paglilinis. Hindi naman namamansin iyong babae na ang suot lang ay silk na pajama. Hindi ko alam bakit ganoon lang ang suot ng babaeng iyon at gulo-gulo pa ang buhok pero medyo nairita ako. Jowa niya ba ‘yon? Pero… imposible, e. Kung may jowa siya, edi sana iyon na ang jinerjer niya imbes na ako! Gulong-gulo ang isip ko habang naglilinis ng bahay. Ang sabi rin ng old maid na tumutulong sa akin, ako rin daw ang magluto ng tanghalian lalo na’t nandito si Sir Gideon. Hindi naman ako masarap kung magluto pero ayos na, nakakain naman. Kaya sinubukan ko na rin matapos sabihin ng maid na sinigang ang paboritong ulam ni Sir Gideon. Nagluto ako ng sinigang gaya ng sinabi ng kasambahay. Nang matapos akong magluto at nakitang alas dose na, dali-dali naman akong umakyat sa second floor. Hindi lang dahil kailangan ko silang tawagin dahil tanghalian na, kundi dahil curious ako sa kung ano ang ginagawa nila. Lagpas isang oras na yata akong naghihintay na bumaba sila! Dahil kung jowa niya nga ito, hindi ako makapapayag na pagtrabahuin niya pa ako bilang bed warmer niya. Ayaw ko namang makasira ng relasyon, ‘no! Kakatok na sana ako sa kwarto ni Sir Gideon nang mapansin kong nakaawang ang pinto, kaagad akong sumilip doon at nakita kung ano ang ginagawa nilang dalawa. Nakabihis na iyong babae habang si Sir Gideon ay abala sa pagsusuklay ng buhok niya. “Pagagalitan kaya ako ni Mommy at Daddy?” tanong no’ng babae. “Ako na ang bahala sa kanila. Ang importante umuwi ka na. Sera, you’re complicating things just like before.” “Sorry, Kuya…” Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang itinawag ng babae kay Sir Gideon. So, hindi naman pala jowa, kapatid pala! Pigil ang ngiti kong kumatok sa pinto na nagpatigil sa kanila sa pag-uusap. “Sir, Ma’am, kakain na po.” Nag-angat ng tingin sa akin si Sir Gideon saka tumango, oo, iyon na ‘yon! Tinanguan lang ako. Bakit ba parang galit siya, na parang hindi naman siya nasarapan sa pagsubo ko sa kanya kagabi? Nakakaloka siya! Imbes na hintayin ko pa silang sumunod sa akin, dumiretso na ako ulit sa baba para magbanyo, para naman makapaghilamos ako’t siguradong hulas na ako. Sa loob ng banyo, ginamit ko iyong perfume na ibinigay sa akin ni Sazha kanina. Kahit pa imposibleng may mangyari ngayong araw dahil nandito ang kapatid niya. Nakapaghubad na ako ng damit para magbihis ng t-shirt dahil pawisan ang suot ko, nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng banyo! Nakalimutan kong i-lock ang pinto! “T-teka, may tao…” Hindi ko natapos ang pagsasalita nang makita si Sir Gideon na kalmadong pumasok sa loob, natulala na lang ako lalo na nang i-lock niya ang pinto. “Sir, magbabanyo po ba kayo? Teka, tapusin ko lang po ang pagbibihis… ano kasi—” “Clearly, that man likes you, can’t you see that?” tanong niya. Umawang ang labi ko, lalo na nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Namilog naman ang mga mata ko at tinakpan ang dalawang dyoga ko, sa taranta ko ay huli ko na naisip na hawak ko na nga pala ang t-shirt. Saktong isusuot ko na iyon nang isang hakbang na tinawid niya ang distansya naming dalawa! Ngayon lang ako nabigla nang ganito. Napaatras ako sa lababong nasa likuran ko, napahawak tuloy ako roon. “S-sir, ngayon na po ba? Gusto mo bang sabay tayong mag-shower?” kabadong tanong ko. Bakit ba palagi niya na lang akong sinusurpresa? Kagabi rin, hindi ko akalain na ipapasubo niya sa akin ang saging niya! Hindi siya kumibo pero itinuon niya ang tingin sa malalaki kong dibdib. “You even pressed your breasts behind his back, do you think he can’t feel how big you are?” dagdag na tanong niya pa. “Sir naman, matagal na kaming magkaibigan no’n, wala na iyon sa amin—” “Wala sa iyo, pero sa tingin mo, wala rin iyon sa kanya?” Napalunok ako nang mag-angat siya ng tingin sa mga mata ko. “Hindi ko po alam…” mahinang bulong ko. Dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya bago bumaba ang tingin sa labi ko. Marahas pa akong napalunok, napatingin din tuloy ako sa labi niya! Mukhang malambot ang labi niya, ang natural pa ng pagkapula. Habang nakatitig doon, hindi ko maiwasang tumingkayad para sana bigyan siya ng malupit na halik pero hindi iyon nangyari nang lumayo siya sa akin. Medyo na-hurt tuloy ako. Ayaw niya bang halikan ko siya? “Magaling akong humalik, Sir. Gusto mo ba?” Kitang-kita ko kung paano siya napalunok nang muli niyang ibaling ang tingin sa akin. “I’m sorry about what happened last night. Alam kong nabitin ka, I’m sorry.” Medyo nahiya tuloy ako dahil in-etsapwera niya lang ang sinabi kong magaling akong humalik. Nakakahiya kasi parang decline ang offer ko. Sa kahihiyan, nag-iwas ako ng tingin sa kanya at bahagya siyang itinulak nang mahina. “Okay lang po ‘yon, Sir. Customer is always right naman po. Kung kailan n’yo po gusto, maghintay po ako.” Muli ko siyang itinulak nang mahina. “Bihis na po ako…” Muli ko na sana siyang itutulak pero hindi niya ako hinayaan, nagulat ako nang bigla niya na lang hawakan ang pisngi ko, inangat ang ulo ko at sinalubong niya ng halik ang labi ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko dahil sa gulat at kaba, hindi ako nakagalaw. “Kiss me back, sabi mo magaling ka…” bulong niya saka marahang kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD