KABANATA 41: KINABAHAN ako sa text message na iyon. Kahit na hindi naka-rehistro ang number na nag-text sa akin, alam kong si Sir Gideon iyon dahil nawawala ang bag ko at sa kanya lang naman ako sumakay! Hindi ako mapakali ng ilang araw dahil sa isiping baka bigla na lang siyang dumating sa condo unit ko. Ni-reply-an ko na rin siya at sinabihang ibalik na ang bag ko dahil may mga importante akong gamit doon. Hindi man lang niya iyon naisip. Break namin mula sa halos dalawang oras na commercial shoot. May kausap si Manager Awra na isang staff kaya ako lang mag-isa sa lamesa ko habang kumakain ng snacks para sa susunod na shoot namin. Habang tahimik na ninanamnam ko ang footlong na binili pa ni Manager Awra para sa akin, natigilan ako sa pagnguya nang tumabi sa akin si Brent at inilapag a