KABANATA 7:

1206 Words
KABANATA 7: HABANG SERYOSO kong sinabi ang lahat ng iyon dahil hindi naman ako nagbibiro, sinagot niya naman ako ng isang sexy'ng halakhak. Oo, pati ang paghalakhak niya ay sexy at nakakaakit sa tenga. Para bang kapag nakikipag-s*x, tumatawa dahil sa sarap—teka nga! Lintek, seryoso ako. Bakit ba ganito ang mga naiisip ko? “Bakit ka po natatawa? May nakakatawa po ba?” Taas ang kilay na tanong ko. Marahan siyang umiling habang nakangiting nakatitig pa rin sa akin, na kulang na lang ay tunawin na ako. Diyos ko, ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong tinititigan ako nang pangmanyak style pero 'pag siya ang tumitig, bakit parang ang sarap maghubad ng salawal? “Sorry, I was just amazed by you. Yeah, you’re right. I shouldn't have thought about that. I might fall in love with a beautiful woman like you.” “Ayan! Mabuti at naisip mong masyado akong maganda, baka mamaya hindi mo mapigilan ‘yan. Delikado ka, Sir! Hindi ako pumapatol sa customer.” Pagkatapos naming mag-usap, muli na niyang pinaandar ang sasakyan. Saka ko pa lang sinabi sa kanya kung saan niya ako ibababa. Ang totoo, hindi ko sinabi sa kanya ang eksaktong lokasyon kung saan ako nakatira. Kasi sigurado akong pagtsi-tsismisan na naman ako ng mga tsismosa kong kapitbahay. Malulupit pa naman ang mga mata at tenga ng mga iyon. Tulog man sila o wala sa bahay nila, sagap na sagap pa rin ang radar. “Dito na lang po, Sir,” sabi ko. At saka ko itinuro ang bababaan kong malapit sa poste. “Saan ang bahay mo d’yan?” takang tanong niya. “Naku, Sir, ibaba mo na lang po ako para matapos na ang gabing ‘to.” “We still have four hours before this day ends,” sagot niya. “Saan nga ang bahay mo?” “Alam mo Sir, magpapasa na lang ako ng biodata sa ‘yo para malaman mo ang mga gusto mong malaman sa akin. Okay po ba ‘yon?” Marahan siyang tumango at saka ngumiti. “Sige, send it to me by tomorrow once you drop by my house.” “Sa bahay mo?” takang tanong ko. “Pupunta po ako sa bahay mo bukas?” “Yeah, but I'm afraid it’ll be at night. Since I got off work at seven in the evening.” Marahan akong tumango. “Okay lang po. Panggabi naman ang trabaho ko sa stripclub…” Sandaling katahimikan ang pumailanlang sa aming dalawa nang matapos akong magsaslita. Ang totoo, ito na naman ako’t kinakabahan para bukas. Siguro na-realize niyang napakatagal niya akong ipatawag. Kahit naman binayaran ma niya ako ng advance payment, gusto kong nagtatrabaho na. Para naman kahit papaano ay hindi ko isiping utang ang ibinayad niya. Mabuti na lang at tinantanan niya na ako at hinayaan na akong lumabas ng kotse niya. Nang makaalis na ang kotse niya, saka pa lang ako pumasok sa daan patungo sa bahay talaga namin. Sa kanto lang ako nagpababa dahil ayoko talagang ihatid ako hanggang sa bahay. Pagpasok ko ng bahay, bumati sa akin ang biglaang paglipad ng takip ng kaserola. “Hindi nga! Ang kulit mo! Sinabing hindi nga ako gumagamit no’n!” sigaw ni Mama. “Anong hindi? Kitang-kita naman sa mga mata mo, Mama! ‘Yong dapat na tuition fee ko, ibinili mo ng pang-adik mo! Hindi ka na ba nahiya kay Ate—” Napahinto si Veronica sa pagsasalita nang makita niya akong nakatayo sa harap ng pinto. “Ate…” Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang ma-realize ko kung ano ang pinag-aawayan nilang dalawa. Kaagad kong nilingon si Mama na hanggang ngayon ay nanlalaki pa ang mga mata, nangingitim ang eyebags at bahagya pang gumagalaw ang panga. “Ma, magpahinga ka muna sa loob ng kwarto mo,” sabi ko. “Pero ‘nak, hindi naman ako inaantok. Kailangan ko pang asikasuhin ang bunso mong kapatid!” aniya sa nanlalaki pang mga mata. “Bukas pa po ‘yon, Mama. Gabi na, kaya pwede bang magpahinga ka na?” Pinipigilan ko ang inis na nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang gabi. Mabuti na lamang at nakinig naman siya at dumiretso sa kwarto niya. Matapos niyang isara ang pinto, saka ko pa lang hinarap si Veronica na ngayon ay nanlulumo. “Paano nakuha ni Mama ang tuition fee mo?” Nag-aalalang tanong ko. “K-kinuha niya sa kabinet ko, Ate… hindi ko alam na kinuha niya pala. Dalawang araw ko nang hinahanap dahil hinahanapan na ako ng pambayad pero hindi ko mahanap. Akala ko kasalanan ko ang pagkawala no’n, pero nang mahuli ko si Mama sa kwarto niya na gumagamit na naman…” Nag-umpisang tumulo ang luha sa mga mata ni Veronica. Humugot ako ng malalim na hininga saka ko niyakap si Veronica. Ang kapatid kong ito ang inaasahan kong unang makakapagtapos sa amin ng pag-aaral. Gusto kong maging maganda ang buhay niya, hindi kagaya ko na isang puta. Sinabi ko sa kanyang sa oras na matapos na siya ng pag-aaral, pwede niya na kaming iwanan at mamuhay siya na malayo sa amin para hindi na siya mahirapan pa… dahil naaawa na ako sa kanya. Siya ang laging nasa bahay at siya ang nakakaranas kung gaano kahirap mag-alaga ng mga kapatid namin habang ang nanay namin ay kung ano-ano lang ang ginagawa, nagpapakasaya habang ginagasta ang perang pinaghirapan kong kitain para sa kanila. Agad kong pinunasan ang luhang nagbadyang pumatak sa mga mata ko bago ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya. “Hindi bale, may kinita naman ako ngayon sa talent fee ko, e.” Inabot ko sa kanya ang nasa sobreng talent fee na natanggap ko kanina. “Alam kong kulang iyan, i-se-send ko na lang sa Transfermoney mo ang kakulangan… bukas.” Nag-aalalang tinitigan ako ni Veronica. “Ate… paano ka?” Bahagya akong natawa, pekeng tawa na sana ay naloko ang kapatid ko. “Ayos lang ako, ano ka ba! Uso naman ang diet sa akin lalo na at ang trabaho ko ay pagpapa-sexy! Unahin mo ang pag-aaral mo at huwag mo akong bibiguin. Naku, kukurutin kita sa pukelya mo kapag nagloko ka!” Marahan din siyang ngumiti, saka tumango. Alam kong alam niyang peke lang ang tawa ko at alam kong tiniis niya ang awa na nararamdaman para sa akin dahil kailangan niya ring magpakatatag. Wala naman kaming choice, e. Kailangan naming magtiis para maka-survive. Ang problema ko ngayon, kung saan ako kukuha ng pang-budget ng pagkain ng mga kapatid ko? Dahil pati iyon ay malamang na kinuha na ng Mama ko… Humiga ako sa foam na higaan ko matapos mag-half bath. Saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Sir Gideon. Alam kong nakakahiya, pero sangkaterbang kakapalan ng mukha ang itinakip ko sa kahihiyan na nararamdaman ko para lang tawagan siya. “Hello?” “Sir, pasensya na po kung napatawag ako sa ganitong oras…” Sumandal ako sa malamig na dingding ng bahay naming kalahati lang ang hollowblocks. “It’s okay, what’s the matter? Your voice seemed worried.” “Ah kasi Sir… Kailangang-kailangan ko po kasi ng pera. Emergency lang po. Pwede po bang bumali? Hayaan n’yo po, bukas na bukas gagalingan ko ang pagpapaligaya sa ‘yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD