KABANATA 8:

1192 Words
KABANATA 8: HINDI AKO pinagbigyan ni Sir Gideon na mag-advance ng bayad dahil malaki na raw ang ibinigay niyang advance sa akin. Medyo nasaktan ako na hindi niya ako pinagbigyan kahit pa nangako naman akong gagalingan ko ang pagpapaligaya sa kanya. Pero pinangakuan niya akong bibigyan ako ng karagdagang trabaho para magkaroon ako ng dagdag na bayad. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero kanina lang ay sinend na niya ang address ng bahay niya sa akin. Pumunta na raw ako kahit wala pa siya at simulan ko na raw ang paglilinis ng bahay. Gusto ko sanang magreklamo dahil hindi naman housekeeper ang trabaho ko pero nang sabihin niyang dodoblehin ang bayad, pumayag na ako… Iyon ay sa pag-aakalang maliit lang ang bahay niya. Dahil nang huminto ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng isang malaki at moderno ang design na bahay, napamura ako sa lula. “Jusko, lilinisin ko ba ang buong bahay?” gulantang na tanong ko. Pinapasok ako ng guard, ang sabi niya’y binigyan naman daw siya ng Sir niya ng picture ko kaya namukhaan daw agad ako. Pagpasok ko sa bahay niya, agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan siya at siguruhing tama ang pagkakaintindi ko na lilinisin ko nga nang buo. “You won’t be able to finish it just for a day, Valerie. So you have to go to my house for three days until you finish it. I'll pay you double, every day after you finish the job.” Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ako pa ang maglinis ng bahay niya. Pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil nangangailangan ako ng pera. Isa pa, dapat nga't magpasalamat ako na binibigyan niya ako ng trabaho! Kahit papaano ay nakapagpahinga ang kipay ko sa stripclub. Pagpasok ko sa loob ay sinimulan ko na ang paglilinis. Hindi naman makalat ang bahay niya, pero kailangan pa ring linisin dahil may mga alikabok. May nakasunod at tumutulong din naman sa akin na maid raw ni Sir Gideon sa bahay na ito. May maid naman pala pero sa akin pa talaga ipinagawa! Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero ang kontratang pinirmahan ko ay parausan ako at hindi taga-linis… bahala na! Ang importante ay babayaran niya ako rito. Huling nilinis ko ang kwarto niya hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog nang dahil sa pagod. Nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Didilat na sana ako kaya lang ay nakita ko si Sir Gideon na naghuhubad ng pang-ilalim niyang button down shirt! Ewan ko ba, pero instinct na yata sa akin na pumikit dahil sa pagkabigla. Kakaba-kaba kong marahang idinilat ang mga mata para silipin kung tama ba ang nakita kong naghuhubad nga siya. Nagbibihis ba? Muli akong sumulyap at nakitang nakahubad na nga siya ng pang-itaas, abala siya sa paghahanap ng damit sa katabing cabinet. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatitig sa yummy niyang likod. Jusko! Likod pa lang, ulam na! Hindi ko talaga bet ang mga nerdy type na lalaking kagaya ni Sir Gideon. Kumbaga sa bad boy look, si Sir Gideon ay may good boy look na hindi ko naman talaga type. Pero ‘pag nakahubad siya, kakaiba! Parang good boy na itinatago ang lihim na sarap sa ilalim ng pormal niyang pananamit! Nang tuluyan na siyang humarap, napapikit akong muli. Mabilis ang pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay na matapos siya sa pagbibihis. Ilang segundo rin ang nabilang ko sa isip bago ako tuluyang sumilip muli. Pero sa pagsilip ko, halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin ang nakangisi niyang mukha! “S-sir!” Nauutal na bulalas ko. Tumaas ang kilay niya at mas lumapad ang ngisi sa labi. Feeling ko, pulang-pula na ang buo kong mukha sa kahihiyan! “Bakit sumusulyap ka lang kung pwede mo namang tingnan nang husto?” tanong niya. “I know you’re awake since I entered my room,” he chuckled. Agad-agad akong bumangon at marahang hinampas si Sir sa balikat, pasimpleng hinawakan ang matipunong muscle niya at mainit na balat! Pokpok ako, pero ngayon lang ako naging malandi nang ganito! Jusko! “E kung gano’n, bakit hindi mo na lang ako ginising?!” Marahang halakhak ang narinig ko mula sa kanya. Oo na, daig pa niya si Maria Clara sa hinhin ng tawa niya pero jusko! Bakit ang gwapo ng pagkakatawa niya, sinasadya niya ba iyan? “Uuwi na po ako, wala na ba akong gagawin? Tapos na po ako. Bukas naman po ulit, sa may garden mo.” Nagmamadaling bumaba ako sa kama pero hindi niya ako hinayaan. Hinawakan niya ang kamay ko na naging dahilan para mapalingon ako sa kanya. “Dito ka muna, samahan mo akong kumain ng dinner,” aniya. “Anong dinner ang kakainin?” Nagkibit-balikat siya. “It depends, would you eat food that you can’t swallow?” Nanliit ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin. “Alam mo, Sir. Bakit parang may kakaiba sa iyo ngayon? Parang… nahahawa ka na yata sa akin.” “Medyo,” sagot niya. Tinawanan ko na lamang siya at pumayag na kumain ng hapunan dito sa bahay niya. Wala namang problema sa akin iyon dahil gusto ko rin makatikim ng pagkaing pangmayaman. Pero nang nasa hapag na kami at kami lang dalawa, medyo nakaramdam ako ng lungkot. “Ikaw lang ang kumakain dito nang mag-isa?” takang tanong ko. “I’m living alone, what do you expect?” Napangiwi ako at saka bumaba ang tingin sa steak na niluto ng matandang maid na tumulong sa akin kanina. Mukhang masarap, pero hindi nakakagana kasi parang ang lungkot ng awra ng dining area niya. “Alam mo, palitan mo kaya ang ilaw dito sa dining area mo? May pa-dim light pa, imbes makakain ka nang maayos, aantukin ka na lang.” Huminto si Sir Gideon sa pagkain at inilapag ang tinidor at kutsilyo sa lamesa. “I think you’re right,” sagot niya. “I’ll work on that.” Nag-umpisa na kaming kumain… nang tahimik. Na hindi ako sanay dahil palaging maingay ang pagkain ko. Ibig kong sabihin… maingay sa bahay namin kapag kumakain kami! Dahil apat kaming magkakapatid at si Mama rin. Pati na rin sa trabaho ko kapag kumakain kami… kaya hindi ako sanay at halos hindi ko maubos ang pagkain ko. Iba tuloy ang tumatakbo sa isip ko. Dahil nga dim lights ang mayroon dito sa dining area niya, para kaming nasa kwarto lang din. Ano kaya ang pakiramdam ng s*x sa ibabaw ng lamesa? “Valerie?” Natigilan ako sa pag-iisip ng kababalaghan nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. Kaagad akong napa-angat ng tingin sa kanya. “Bakit po Sir?” “Are you done eating?” Napakurap-kurap pa akong nagbaba ng tingin sa plato ko at nakitang may isang subo pa ng karne. Kaya tinusok ko na iyon ng tinidor saka sinubo bago nag-angat ng tingin sa kanya. “I see, you’re done.” Mabilis kong nilunok ang pagkain. “Tapos na po, ako na ang maghuhugas ng pinggan.” “Now that you’re done eating, pwede bang ako naman ang kainin mo?” Teka, nabibingi lang ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD