KABANATA 29: Valerie’s POV: IPINABAGO ko ang schedule ko ng pagsasayaw at hindi na rin muna ako umuuwi kila Mama para lang maiwasan si Sir Gideon. Nagdesisyon akong mangupahan sa isang maliit na studio type room, kapitbahay ko si Dix. Siya lang ang may na-i-offer sa akin na mauupahan nang magtanong ako. Agaran kasi akong naghanap dahil ayaw ko talagang magkita kami ni Sir Gideon. Alam kong susukuan niya rin ang pangungulit sa akin. Bakit? Sino ba naman ako para kulitin niya nang kulitin? Bayarang babae lang naman ako na binayaran niya para makipags*x at turuan na rin siya roon. “Dix!” Kinatok ko ang pinto ng apartment ni Dix. Dahil nga hindi pa naman kumpleto ang kwarto na inuupahan ko, madalas ko siyang kinukulit. Ilang beses kong kinatok ang pinto dahil ayaw niyang sumagot. At nang