KABANATA 59: NAIINIS talaga ako na kailangan pa ni Gideon na dito matulog. Ang sabi niya kanina, sa sala siya matutulog dahil wala namang extra na kwarto. Masikip ang kwarto ng mga kapatid kong lalaki habang hindi naman pwede sa kwarto ni Mama o kaya naman sa kwarto ni Vanessa. Lalong-lalo naman sa kwarto ko! Hindi uso ang guest room sa bahay namin, ‘no! Kagaya ng madalas na nangyayari sa akin mula nang magbuntis ako, sa madaling araw talaga buhay na buhay ang dugo ko. Madaling araw na pero naghahanap pa ako ng lugaw. Naiihi pa ako at kung ano-ano pang maisipan ko. Siguro sa paglilihi talaga ito. Kaya lang, minsan talaga medyo over na. Hindi ko alam kung over na ba ‘to o sadyang ganito lang talaga? Bumangon ako mula sa kama nang manakit na ang likod ko sa kahihiga at sa ka-s-scroll sa s