(Sia) KINAGABIHAN, nawili kami kakakwentuhang magkakaibigan sa isang vacant room sa Engineering building. Nanlibre kasi ng pizza sina Pierce at Enrique kaya hayun, nawili kami kakakwentuhan hanggang sa inabot kami ng malakas na ulan at kulog. "Ay!" napatili ako nang tamang-tama na inaayos ko yung kurtina ng bintana tapos kumulog na naman. Si Enrique nga na katabi ko dito, napapapitlag din. "Sia, kumukulog. 'Wag ka na diyan sa may bandang bintana." nag-aalalang ani Chun sa akin. Tumango ako't bumalik sa table kung saan nakaupo ang mga kaibigan namin. Nagtimpla ako ng coffee nang biglang kumulog na naman. Halos mabitawan ko yung takure na may ininit. Tinabihan ako ni Chun at marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Chun..." Ngumiti siya't nilagay ang hintutur

