(Niall) "SEÑORITO, anong ginagawa mo rito?!" Nagulat ako nang makita si Sia sa kabilang hottub matapos kong magshower at magbabad na rito sa bathroom. "Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan! Anong ginagawa mo rito sa men's bathroom?!" singhal ko. WHAT THE HELL? "Men's bathroom?!" hindi makapaniwalang naibulalas niya. Napakunot noo nalang ako. Hindi niya alam na panlalaking paliguan 'to? Mukhang may alam na 'ko sa nangyayari... Gumuhit ang lungkot sa mukha niya nang parang biglang may napagtanto. Pareho siguro kami ng iniisip. Yung tatlong babaeng mga inggitera na gusto siyang sinasabotahe, humanda sila sa akin. "Aalis nalang ako. 'Wag kang titingin, aahon na ako." sabi nalang ni Sia. Nang tumayo na siya't akmang aalis na sa tubig, saka naman bumukas ulit ang pinto at may isa pang

