NAGSUNOD-SUNOD ang mga araw na hindi na 'ko pinapansin ni Niall matapos ng gabing nakipaghiwalay siya sa akin. Sa school, sa bahay, o kahit sa phone. "Niall..." I tried to approach him one morning nang makasalubong ko siya sa corridor. Pero hindi niya ako pinansin na para bang hindi niya ako kilala, na para bang wala kaming mahigit isang taon na pinagsamahang dalawa. Nilampasan lang niya ako na wala siyang anumang sinasabi o tiningnan man lang ako kahit sandali. Nasundan pa iyon, ang pag-iwas niya sa akin tuwing magtatangka akong lumapit sa kanya. Dinaig pa niya ang yelo sa lamig ng pambabalewala sa akin. "Niall, mag-usap naman tayo please!" pakiusap ko ulit sa kanya nang isang gabing naglilinis ako sa living room at dumaan siya. Sinundan ko siya at nakatatlong hakbang palang siya sa

