(Sia) SABADO ng umaga, habang nagwawalis ako sa bahay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa piano room at para bang may sariling buhay ang mga paa ko't dinala ako roon... I found myself sitting in front of piano and making a smooth sound. Naalala ko tuloy yung unang beses na tinuruan ako ni Niall sa pagtutugtog. Ang seryoso niya't pareho kaming tahimik. Tanging tunog lang ng piano sa buong room ang maririnig... at kabog ng dibdib ko habang ang magkahinang ang mga kamay namin. "Señorito-" Marahang napapitlag ako't hindi nakapagsalita nang tahimik na nilagay ni Niall ang kamay niya sa kamay kong nasa piano. Hindi ko kasi inaasahan ang biglang pagdating niya sa likod ko. Iniisip ko lang siya kani-kanina lang tapos ngayon nasa likod ko ulit siya't hawak ang kamay kong naka

