bc

Handsome Rugged (FILIPINO ROMANCE) COMPLETED

book_age18+
5.5K
FOLLOW
29.6K
READ
possessive
arrogant
others
drama
sweet
serious
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Stella Reign forced to leave her uncle's provincial mindoro because of her older brother's to willingness to work at Hacienda Casivue. Dahil sa Isang hindi Inaasahan na pang-yayari biglang naglaho ang kuya Rafael niya na hindi niya alam kung saan nagpunta at galit na galit itong hinahanap ni Lambert Casimiro na Panganay na Anak ng may-ari ng Hacienda Casivue. At sapilitan siya na isinama sa Hacienda para sa muling pagbabalik ng kanyang Kuya. Habang nasa loob siya ng Hacienda maniniwala ba siya sa lahat ng pinaparamdam at sinasabi ng Isang Lambert Casimiro. Kung ang kuya pala niya ang dahilan ng galit ng binata dahil sa kapatid nito. Kaya bang pawiin ng pag-ibig na mabubuo sa kanilang dalawa para sa galit ng binata para sa kuya niya.

chap-preview
Free preview
Stella Reign
Stella Reign dalawampu't dalawang taon gulang, Nagtatrabaho bilang isang call center dalawa kami na magkapatid Ang kuya ko na si Rafael Reign ay kasama ng aking tiyuhin na nagtatrabaho sa isang hacienda sa probinsya ng mindoro. Nagtataka ako sa kanya kung bakit mas pinili niya kasama ang aking tito para magtrabaho sa hacienda dahil nakapagtapos din naman siya ng kanyang pag-aaral. Ulila na kaming magkapatid dahil hindi namin nakilala ang aming amain. Ayon na din sa kwento ng aming tito nagpakamatay ang aking ina nang malaman niya na may tunay na asawa pala ang aking ama. Kaya labis daw itong ikanalungkot ng aking ina. Kaya simula ng mawala ang aming ina kinupkop na kami ng kapatid ng aking ina. Sinama din niya si kuya Rafael sa pagtatrabaho sa hacienda habang nag aaral ito. Nang makapagtapos si kuya pinagtulungan naman nila ni tito na makapag aral ako dito sa Maynila. Ang tagal na din mula nang masilayan ko ang hacienda Casivue mula sa aming bahay. Napakabait ng mag-asawa na sina Albert Casimiro At Ashly buenave. Nakita ko lang sila nang 12 years old ako, Sadya silang nagpunta mag-asawa sa aming munting bahay dahil kay kuya na may sakit nang mga panahon na iyon. Dinala nila si kuya sa hospital at sila ang gumastos sa lahat, Ang alam ko may apat sila na anak. Dalawang lalake at dalawang babae na kambal. Pero dahil hinde ako pinapayagan ni kuya na magpunta sa Hacienda kaya hindi ko nakita kahit kailan ang mga anak nila. Ngayon habang Coffee break namin ng magring ang selpon ko. Si kuya na naman isang linggo na niya ako kinukulit para umuwe o magbakasyon man lang sa Mindoro, Ilang taon naba ako hindi nakakauwe? limang taon na din siguro. Pag umuuwe naman ako duon ayaw naman nila ako papuntahin ng hacienda, Lagi na lang niya katwiran masungit daw ang panganay na anak nila Sir Albert. Mabait naman ang mag-asawa kaya nagtataka ako paanong sobrang sungit ang anak? Sabagay ganoon naman yata talaga pag mayaman sa isip-isip ko na lang. "Hello kuya," "Stella kailan kaba uuwe dito? Nagtatanong na si tito" Naiiritang tanong niya sa akin. "Hindi pa kasi napipimahan ang pinasa ko na vacation leave kuya" "Ok sige! pag uuwe kana tawagan mo ako at para masundo kita sa daungan ha" "Sige kuya kamusta na pala si tito?" Pag-aalala na tanong ko sa kanya. Dahil ang huli namin pag uusap may sakit daw si tito at hinde na ito nagtatrabaho sa hacienda. "Mahina na si tito estella kaya umuwi kana dito dahil mas panatag si tito kung nandito tayong dalawa" Nakaramdam ako ng kalungkutan para sa taong kumupkop sa amin at tinuring kaming anak. Hindi na ito nag-asawa dahil kami lang daw ay sapat na para sa kanya. Naramdaman ko naman na may namumuo nang luha sa mata ko. "Ok sige kuya follow up ko ulit ang vacation leave ko at hahabaaan ko na din para makasama ko kayo ng matagal diyan" "Sige stella hihintayin ka namin mag-iingat ka lagi diyan" Pagtatapos ni kuya sa usapan namin. Bago umuwe inayos ko kaagad ang vacation leave ko. Nakonsensya naman ako kasi ang totoo ngayon ko pa lang siya talaga ipapasa. Sigurado naman na papayagan ako dahil ngayon lang ako magle-leave Pauwe na ako ng sabayan ako ni Anthony matagal na itong nanliligaw sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan. Gwapo naman siya matangkad maputi. Aaminin ko hindi ko talaga tipo ang mga lalaking maputi. Siguro dahil nasanay ako sa mga tao na nakalakihan ko na katamtaman lang ang mga kulay. "Hatid na kita Stella" Nakangiti niyang sabi sa akin, Nginitian din ko siya bilang Pagsang ayon. Hinatid niya ako hangang kanto lang ng aking apartment at nagpaalam na din siya. Tatlo kaming nakatira sa apartment lahat ng bayarin ay naghahati kami. Pagpasok ko sa loob, nakita ko si clarissa na nakaupo sa sofa ng sala na tila parang balisa kaya lumapit ako sa kanya. "Bakit may problema ba?" "Nagbawas ng tao sa kinetic company isa ako sa mga natanggal," "Bakit naman? limang taon ka na duon diba?" "Iyon na nga e! iyonn ang kinasasama nang loob ko!!" grrrr! Kainis talaga!" Nakaka stress kaya ang walang trabaho" "Makakahanap ka din ng bagong trabaho. Maglilinis lang ako ng katawan tapos matulog na tayo" Tumayo na rin siya at sumabay sa akin papasok nang kwarto. Maliit lang ang kwarto namin kasya na para sa mga personal na gamit at isang double deck na higaan. Dahil may pagka maselan ang isa namin na kasama, Kami ni Clarissa ang magkatabi sa higaan. Kaya mas lalo kami naging malapit sa isa't- isa. Nagkwentuhan muna kami ni Clasrissa dahil parehas pa naman kami na hindi pa dinadalaw ng antok. "Clarissa uuwi nga pala ako sa makalawa sa amin" Napaupo siya sa higaan at napatingin sa akin dahil siguro sa narinig niya. "Magtatagal kaba duon?" Tanong niya na sa akin. "Hindi ko alam kasi one month ang vacation leave ko e" "Ano ba yan?" Wala na nga akong trabaho mawawalan pa ako ng kaybigan dito!" Malungkot na sambit niya sa akin. "Kung gusto mo sumama ka sa akin? Para makapag bakasyon ka naman" Nanlaki ang mata niya sa tuwa. "Talaga??" Sige sige ang tagal na din naman nang huli ako nakapag bakasyon" Taga capiz kasi si Clarissa at ayon na din sa kwento niya ayaw na niyang umuwe sa kanila dahil salbahe daw ang madrasta niya. "May pasok kapa bukas? Tanong niya ulit sa akin. "Oo half day lang ako may aasikasuhin lang ako sa office mag-ayos kana ng gamit mo ha" Nakangiti siyang bumalik sa tabi ko, Parang kapatid ko na din si clarissa dahil siya ang una ko na naging kaybigan nang unang salta ko dito sa Maynila. Halos magka edad lang kami pero matangkad ako sa kanya at balingkinitan ang katawan ko. Siya naman ay may pagka chubby. Nagagandahan ako sa kanya kasi morena siya, Ako naman maputi kinaiingitan naman niya sa akin ang kaputian ko. Dahil hindi daw niya ako nakikita na gumagamit ng mga sabon at lotion na pampaputi Nagtataka din ako kasi si kuya moreno naman pero nakuha niya ang pagka moreno niya sa aming ina. Ayon din naman kay tito maputi daw ang tatay namin at dito ko naman daw nakuha ang kaputian ko. Pero matikas at magandang lalake daw ang aming ama, Halos lahat daw sa amain namin nakuha, Isa din sa bilin ni tito sa akin huwag daw ako magpagupit ng masyadong maikli o magkulay ng buhok, Dahil likas daw na maganda ang buhok ko na katulad daw sa kanilang Ina. Kaya pag sumosobra na ang haba ng aking buhok pinapagupitan ko lang ito ng hanggang bewang lang. Hindi ko na namalayan na nakatulog na din ako katulad ni Clarissa..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
699.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook