Hacienda

1201 Words
Pagdating ng barko sa daungan hindi ko napansin na si kuya Rafael pala ang lumapit sa amin dahil ang laki ng pagbabago ang nakikita ko sa kanya ngayon, lalo siya gumwapo at lumaki ang katawan, Pinakilala ko si kuya kay Clarissa at bumiyahe na kami papunta sa bahay ni tito lucio. "Kuya kanino itong sasakyan?" "Pick-up ito para sa mga mangga sa hacienda pinahiram ni sir Lambert" Hindi na ako sumagot dahil big sabihin ok din naman pala ang ugali kasi nagpapahiram ng gamit. Pagdating namin sa bahay nakita ko kaagad si tito Lucio, na sadyang kami talaga ang kanyang inaantay habang nakaupo siya sa ilalim ng puno. Pumayat nga siya marahil na din siguro sa kanyang sakit sa puso, Inilihim niya sa amin ang sakit niya. Kaya nang malaman ni kuya ang tunay na kalagayan niya, hindi na niya siya pinagtrabaho pang muli sa hacienda. Paglapit ko kay tito Lucio nagmano ka agad ako sa kanya. "Kamusta ang buhay sa maynila stella?" Tanong agad sa akin ni tito Lucio. "Ok naman po tito' pasensya na po kayo ni kuya Rafael dahil hindi po ako nakakauwe" Malungkot na sagot ko sa kanya. "Ang importante iha nakauwe kana" Pinakilala ko si clarissa kay tito Lucio. Habang nasa labas kami kasama si tito lucio, Muli ko mararanasan ang simpleng buhay probinsya kasabay na ang masarap na hangin. Kinabukasan maaga ako gumising, Nakita ko naman si kuya na nag aayos na para magtrabaho sa hacienda. " Kuya kumain kana muna" "Hindi na Stella uminom na naman ako ng kape Ikaw na ang bahala dito, magluto kana lang para makakain na kayo., Tutal nandito ka naman paalala mo kay tito ang mga gamot niya" Mahaba niyang habilin sa akin bago siya lumabas ng pintuan. pinagmasdan ko si kuya habang papalayo, Naisip ko pa din hinde talaga siya bagay sa lugar na ito. Bakit ba kasi ayaw niya gamitin ang kanyang pinag aralan para makapag hanap ng ibang trabaho na hindi na niya kailangan mahirapan nang ganito. Dahil alam ko naman kung gaano kahirap ang magtrabaho sa Isang hacienda. Magandang lalaki ang kuya ko, lalo siya naging moreno na nagpadagdag sa ganda niyang lalaki. Nagluto na ako para makakain na kami, Dinamihan ko ang aking niluto dahil balak ko dalhan na din si kuya para makakain naman siya, At Susubukan ko makapasok sa Hacienda, Siguro naman hindi siya magagalit dahil may dahilan naman ako. Tapos na ako magluto, Nakita ko gising na rin si clarissa, Si tito naman ay gising na pala kanina pa, Nasa labas na pala siya at nagpapahangin. Sa labas ulit kami kumain dahil nanduon si tito Lucio. Nilabas ko ang mga pagkain habang tinutulungan ako ni clarissa. "Stella hangang kailan ka mananatili dito?" Tanong ni tito habang kumakain kami. "Isang buwan po tito ang vacation leave ko" "Ganoon ba' maikling panahon lang pala iha' ang gusto ko sana stella manatili ka na lang dito" Malungkot na sabi niya sa akin. "Pero alam ko na hindi ako ang masusunod dahil may sarili kang buhay iha" Hindi na ako nagtangka na sagutin ang kanyang sinabe. "Tito balak ko po sana pumunta sa Hacienda Casivue, papasukin po ba ako?" Sabi ko na lang. para mabago ang usapan. "Oo naman basta sabihin mo kapatid ka ni Rafael' Pagkatapos namin kumain tinulungan ulit ako ni clarissa magligpit, nagpasama na din ako sa kanya sa pagpunta sa hacienda. Naka maong na short ako at hindi naman gaanong kaiklian at t-shirt na puti, si clarissa naman ay spaghetti strap at maong din na short. Pagpasok namin sa Hacienda labis ako namangha, dahil naisiyahan ako sa aking nakikita dahil sa ganda at ang lawak, Marami ako nakita mga kababaihan pero mas marami ang kalalakihan, Hinanap ng mata ko si kuya Rafael hindi naman siya mahirap hanapin dahil natatangi siya sa mga kasama niya. Lumapit kami agad ni Clasrissa sa kanila, Nagulat pa siya sa una pero pinakita ko kaagad ang dala ko at naintindihan naman niya, Narinig ko pa na pagbibiro nila kay kuya Rafael "Pare girlfriend mo?" "Mga sira kapatid ko ito!" " Si Stella" Pakilala niya sa akin sa mga kasama niya, At si Clarissa ay pinakilala na rin niya. "Oo nga pala may kapatid ka, Kasi naman hindi mo pinapakilala sa amin" "Ang ganda ng kapatid mo ah! pang miss universe sa tangkad " Sumagot na din ako sa biruan nila, "E guwapo din naman ang kuya ko ah!" Buong pagmamalaki ko na sabi ko sa kanilang lahat. Napahinto lang kami sa pagbibiruan dahil may boses na nagsalita mula sa aming likuran. "Raf naikarga naba ang mga mangga?" Napalingon kaming lahat sa kanya. Nagsalubong agad ang aming mga mata. Isang lalaki na kasing taas ni kuya Rafael, moreno din siya pero makintab ang pagka moreno niya, Napatingin ako sa kanyang kasuotan, kupas na pantalon at maninpis na white t-shirts na hapit sa malaking katawan niya. "Oo Lambert napahinto lang kami dahil kakain na kami" Paliwanag naman ni kuya. Narinig ko na tinawag niya itong Lambert. Ibig sabihin siya ang isa sa mga anak na may-ari nitong hacienda? Pero bakit Lambert lang ang tawag ni kuya sa kanya? Napatingin ako kay kuya Rafael na sumenyas sa akin na umuwi na kami. Pero biglang nagsalita ulit ang tinawag ni kuya na Lambert. "Mga taga saan kayo?" Habang salubong ang kanyang kilay na tanong niya sa amin, Pero sa akin siya nakatingin na tila tinignan pa ang kabuuan ko. "Kapatid ko siya, Siya si Stella At ang kasama niya ay kaybigan niya si clarissa" Biglang sagot naman ni kuya sa kanya. Pero salubong pa din ang kanyang kilay na hindi inaalis ang pagkakatingin niya sa akin at nagsalita ulit siya bago niya kami talikuran. "Kung pupunta kayo sa ganito na klaseng lugar ayusin ninyo ang inyong kasuotan!" Napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi. Anong problema niya? Pagtataray na tanong ko sa isip ko. "Sige na "stella' "Clarissa" umuwi na kayo" Pagtataboy naman sa amin ni kuya Rafael. Habang naglalakad panay reklamo ko kay Clarissa dahil sa nangyari kanina. "Grabe naman ang pagka Antipatiko niya ah!" Sabi ko kay Clarissa sa boses ko na naiinis. Pero natatawa na sinagot niya lang ako. "Pero ang gwapo ah' at ang laki!" Kinikilig na sagot naman niya sa akin. " Ano ang malaki??" Pagtataka na tanong ko sa kanya na tumaas pa ang Isang kilay ko. "Asus Stella! huwag mo sabihin na hindi mo nakita?" Napaisip ako sa sinabe niya, totoo naman kasi ang sinabi ni Clarissa, katawan nga ang unang napansin ko sa Lambert na iyon, Para bang pag niyakap niya ako e mapipipi ang katawan ko, Bigla ko din naman inalis ang pumasok sa isip ko. "At ang gwapo ah!" sino ba iyon?" Tanong ni Clasrissa sa akin. "Narinig ko na tinawag siya ni kuya na lambert, ang pagkakaalam ko Lambert ang pangalan na panganay na anak ng may-ari nitong Hacienda" Malapit na kami lumabas sa Hacienda nang mapatingin ako sa kaliwa ko. Meron nakatayo na medyo malayo sa kinaroroonan namin ngayon, Dalawang lalaki na parang nag-uusap. Habang ang isa ay napatingin pa sa kinaroroonan namin. Sinundan din niya kami nang tingin habang naglalakad. Nagtagal din ang Paningin ko sa kanya. Bigla ko siyang inirapan dahil siya pala ang Antipatiko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD