Halik

1764 Words
Isang linggo pa ang lumipas habang nandito ako sa mindoro kasama parin sila kuya Rafael. Sa mga nakalipas na araw may napapansin ako kay kuya, lagi siyang malungkot at tahimik, Para bang may malaking problema siya na sinasarili lang niya. Sa isip-isip ko na lang baka maraming trabaho sa hacienda. Si tito naman naglalagi na lang sa kwarto nila ni kuya Rafael, Hindi na ulit ako nagtangka na magtungo pa ulit sa hacienda. Inuunahan ko na lang si kuya gumising para maipagluto ko siya nang kanyang pagkain. Isang gabi naisipan ko na hinintayin si kuya sa labas para makausap ko siya, Naninibago na kasi ako sa mga ikinikilos niya. Hindi naman ako nabigo. Dahil hindi pa ako nagtatagal sa labas ay nakita ko na siyang naglalakad papunta sa bahay namin. agad ko siyang sinenyasan na maupo sa tabi ko, kaagad naman siya tumungo sa kinaroroonan ko pero naamoy ko naman na tila nakainom yata siya. "Kuya may problema kaba? Tanong ko sa kanya ang lalim nang iniisip niya at hindi ko ito mabasa. "Stella may ipapakiusap sana ako sayo' huwag mong iiwan dito si tito Lucio at hihintayin mo ako dito!" "Ganoon naman ang ginagawa ko diba kuya?" Pagtataka ko na sagot ko sa kanya. Hindi na siya muling nagsalita, Kahit pilitin ko siya na tanungin ayaw talaga niya magsalita. Iwanan ko na lang muna daw siya at kailangan daw niya mag-isip. Sinulyapan ko muna siya bago ako tuluyan na pumasok sa bahay. Nakita ko na nakayuko siya habang nakatakip ang dalawang palad sa kanyang mukha. Umiiyak ba siya? Tanong ko sa isip ko. Kinabukasan maaga ako gumising para makapagluto para na din kay Kuya Rafael. Pero tirik na ang araw hindi ko pa nakikita na lumabas sa kwarto niya si Kuya Raf, Nakita ko naman si tito lucio kaya kaagad ko siyang tinanong. "Tito lucio tulog pa po ba si kuya?" "Wala na duon ang kuya mo pag gising ko iha" "Bakit po? maaga po ba siya nagpunta sa Hacienda?" "Hindi na magtatrabaho ang kuya mo sa hacienda iha'" "Talaga po?" Natuwa ako sinabi ni tito. Dahil ayoko talaga magtrabaho na si kuya sa hacienda. "Eh nasaan po si kuya?" Pero bago makasagot si tito Lucio sabay pa kami napalingon sa lalaking nasa pintuan na sinisigaw ang pangalan ni kuya Rafael. Labis ang pagkagulat ko sa kanya dahil ang lambert na tinatawag nila sa Hacienda nandito sa bahay namin at tila galit na galit habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Rafael!!!!! Rafael!!!" Paulit-ulit na tawag niya sa pangalan ni kuya Rafael habang sumisigaw. Lumapit siya sa akin habang nanlilisik pa din ang kanyang mga mata. "Nasaan ang kuya mo!? Nasaan!!? "Hindi ko alam!" Naguguluhan ko na sagot ko sa kanya. Iniwanan niya ako at pinuntahan si tito Lucio. "Tatay Lucio may respeto po ako sa inyo pero sa pagkakataon na ito pasensya na ho!! "Nasaan ang pamangkin ninyo? Nasaan!!?!" Pasigaw niya na pagtatanong sa tito Lucio ko. Dahil sa matinding pag-aalala ko kay tito napasigaw na din ako. "Wag kang sumigaw dito!!!!!! Wala ka sa hacienda mo!!!!! Matalim ang kanyang mata na tumingin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Muling nagsalita si tito na kinalingon naman niya agad. "Nagpaalam kagabi sa akin si Rafael babalik daw siya!" Napatingin ako kay tito dahil sa akin na din siya nakatingin. "At iha' ibinilin niya na hintayin mo daw siya dito, Huwag ka daw aalis kahit na anong mangyari!" Nagtataka ako sa sinabi ni tito bakit umalis si kuya? Bakit pinaghihintay niya ako dito? Bakit sumugod ang lalaki na ito at galit na galit na hinahanap siya? Nakita ko ang paglapit ulit sa akin ni Lambert, Pabigla niyang hinawakan ang siko ko. "Kung ganon sasama ka sa akin sa hacienda at duon mo hihintayin ang kuya mo!!"" Pagalit niya na sabi sa akin. Pero bago ako makasagot nakita ko na napaupo si tito Lucio sa sahig habang nakahawak sa kanyang dibdib.Habang nakaalalay na si clarissa na nagising na din pala dahil sa ingay namin. "Tito Lucio.." Buong pag-aalala ko na tawag sa kanya kasabay din ang bigla kong paglapit sa kanya. Napalingon din ako kay lambert na nagulat din sa nangyari. "Ano mister natuod kana diyan? baka naman may konsensya kapa? maari mo naman siguro kaming tulungan kung hindi naman nakakahiya sa'yo?!!" Pasigaw ko na sabi sa kanya dahil naiiyak na ako sa nakikita ko na tila paghihirap na huminga ni tito Lucio. Kaagad naman siyang natauhan at agad din niyang binuhat si tito nang walang kahirap-hirap at sinakay sa kanyang sasakyan. Agad din namin siya naidala sa isang malapit na hospital. Hindi ako mapakali habang naghihintay sa doctor na tumitingin kay tito lucio. Kahit si Lambert ay labis din ang pag-aalala, Hindi ko alam kung dinadaya lang ako nang aking paningin pero iyon ang nakikita ko sa kanya. Hindi ko na maipaliwanag ang iba pang nababasa ko sa mga kilos niya at kung paano niya ako tignan. Nakonsenya siguro bulong ko na lang sa isip ko. Mangiyak-ngiyak na ako dahil ang tagal lumabas ng doctor. Pero nakita ko din na lumabas na ang doctor mula sa emergency room kaya kaagad ako na lumapit sa kanya. Ang daming niyang sinabe hindi daw ba nakaiinom si tito ng maintenance niya na gamot. May nararamdaman pa daw ito na iba at bakit hindi daw kinokunsulta. Hindi ko na maintindihan pa ang iba na sinabi niya dahil ang alam ko lang may sakit sa puso si tito. Pero sa huli sinabi din niya na wala na si tito Lucio. Dahil sa kanyang sinabe hindi ko mapuknat ang aking paningin habang may luha na naglalandas na dito, At unti-unting ako nuupos paupo sa sahig. Umiiyak na ako habang nakatingin pa din sa pintuan kung saan pumasok ulit ang doctor. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Clarissa at ang pagtawag niya sa pangalan ko. "Stella" Nakita ko rin na lumalapit sa akin si Lambert. Pero agad nanlisik ang mata ko sa kanya, Kaya agad naman siya napahinto sa paglapit sana sa akin. Nakita ko na kinuha na lang niya ang kanyang selpon at may kinusap. Muling lumabas ang doctor pero si Lambert na ang kumasap sa kanya. Kahit patuloy ako na umiiyak naririnig ko ang mga sinasabe niya kay lambert. Bukod sa sakit sa puso ni Tito lucio may iba pa daw sakit ito na hindi pinapatignan o pilit na itinago sa amin. Pero dahil magulo ang isip ko kaya wala ako maitindihan sa mga sinabi niya. Nasaan kana ba kasi si kuya? napaiiyak na tanong ko. Tatlong araw pa ang lumipas nailibing na si tito. Nagpasya kami ni clarissa na bumalik na sa Maynila dahil wala ng dahilan para manatili pa kami dito. Alam naman ni kuya kung saan ang tinutuluyan ko sa maynila kaya alam ko na pupuntahan niya ako duon. Habang sakay kami ni Clarissa ng trysicle na maghahatid sa amin pabalik sa maynila. May humarang na sasakyan sa daan kaya napahinto ang trysicle na aming sinasakyan. Bumaba ang driver nito nagulat ako sa nakita ko dahil ang galit na galit na mukha na naman ni Lambert Casimiro ang nasilayan ko. Paglapit niya sa amin kaagad niya ako hinila palabas sa loob ng trysicle, "Bakit ba ano bang problema mo?" Sigaw ko sa kanya sabay alis ko sa kamay niya na nakahawak sa pulsuhan ko. Dahil parang may kuryente ako na naramdaman sa simpleng pagkakahawak lang niya " Hinde ka pwede umalis sasama ka sa akin sa hacienda!" "Bakit ko naman gagawin iyon? at sino kaba sa akala mo? para sundin ko ang pinag uutos mo at para sumama ako sa hacienda mo!!!" Pagalit kong sagot sa kanya. Nakita ko ang tila paggalaw nang kanyang panga, Dahilan para mapaatras ako. "Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin at duon natin hihintayin ang kuya Rafael mo!!" Pagalit naman niyang sagot sa akin. Umalis siya sa harapan ko at lumapit siya sa trysicle driver para kausapin ito at binayaran para maihatid si clarissa sa daungan. Kinausap din niya si clarissa at tinanong kung saan duon sa mga maleta ang gamit ko. Nakita ko ang pagkalito kay Clarissa kaya takot at nalilito na itinuro na lang niya ang maleta ko, Na kaagad naman kinuha ni Lambert. Dahil sa ginawa niya nahampas ko siya sa likod niya pero tila hindi niya iyon ininda. Dahil mas ininda pa ito nang kamay ko dahil parang pumalo lang ako sa isang pader. "Hoy mr!!! Si kuya ang kailangan mo diba?! kaya hintayin mo siya dito at wala akong utang o kasalanan sayo! kaya ibigay mo sa akin ang mga gamit ko!" Tinangka kong agawin ang maleta ko mula sa pagkakahawak niya. Pero bigla niya hinawakan nang madiin ang kamay ko. "Narinig mo diba ang sinabi ng tito Lucio mo? hintayin mo daw dito ang kuya mo at babalik siya! kaya kung nasa hacienda ka siguradong magkikita kami!!" Pabulyaw niyang sagot sa akin. Nakita ko na sinenyasan na niya ang trysicle driver na umalis na. Hindi ko na nakausap man lang si clarissa dahil sa ginawa niya. Sa sobrang inis ko dahil sa ginawa niya pinagpapalo ko siya dibdib niya kahit sa mukha niya, Pero nagagawa niyang umiwas. "Hayup ka!!! Baliw ka!!!! Paulit-ulit kong sigaw sa kanya habang patuloy ang pagpalo ko sa kanya. "Binaliw mo talaga ako!! Pabulong na narinig kong sinabi niya sabay halik sa labi ko na labis kong kinagulat dahilan din para tumigil ang kamay ko sa pagpalo sa kanya. Lumalim ang halik niya pero hindi ko parin siya magawa na itulak palayo sa akin. Hindi ko rin alam kung tumugon ba ako sa halik niya. "Halik lang pala ang magpapatigil sa katarayan mo!" Dahil sa kanyang sinabe biglang dumapo ang Isang palad ko sa kaliwang pisngi niya. "Hayup kana!!! Bastos'' kapa!" Sigaw ko sa kanya. Pero kasabay din ang panlilisik nang kanyang mga mata at walang sabi-sabi na binuhat niya ako nang isang kamay niya habang dala niya ang mga gamit ko. "Ibaba mo ako hayup ka!!!" Sigaw ko habang nagpupumilit ako na makakawala mula sa pagkakabuhat niya. Pero likas na malakas talaga siya dahil sabay niya kaming nabuhat nang gamit ko at ako para ipasok sa naghihintay na sasakyan niya Pabalya niya akong binaba para maupo sa upuan sa tabi ng driver seat. Pahagis naman niya na binalibag ang maleta ko sa likod ng sasakyan niya. Sinundan ko siya nang tingin habang nanlilisik ang mata ko, Dahil umikot siya para pumasok na sa driver seat. "Ano ba kasi ang kasalanan sayo ni kuya Rafael?" Tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Kahit na ang tignan ako ay hindi niya ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD