Yakap

1263 Words
Huminto ang sasakyang niya sa Isang malaki na bahay, bumaba siya at umikot para buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. "Bumaba kana diyan!" Pagalit niyang utos sa akin, Pero hindi ako kumilos dahil sa nararamdaman ko na pagkainis pa rin sa kanya. "Bababa kaba diyan? o bubuhatin Kita!?" Bumaba na ako dahil wala naman na talaga ako magagawa pa, Paglabas ko agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko at pahilang naglakad sa loob. Pagpasok namin sa loob namangha ako sa nakita ko, May lumabas na matanda kung saan mang pinto dahil ang daming lagusan. "Iho' hindi kana nahintay ni savannah maleleyt na kasi siya sa flight niya, pero sinundo naman siya dito ni señorito Ashlem" "Sige po Manang" pakidalhan na lang po si Stella sa kwarto ko ng pagkain niya salamat" Tumaas ang kilay ko wow!! Marunong magpasalamat? At teka bakit sa kwarto niya? At bakit sabi niya kami?? "Bitiwan muna ako!" "Hahawakan kita kahit kailan ko gustuhin!" Sagot naman niya sa akin at sabay hila pa din sa kamay ko paakyat sa hagdanan, Halos magkanda patid-patid ako habang paakyat kami. Ilang kwarto din ang nadaanan namin bago kami pumasok sa kwarto niya. Binitawan na niya ang kamay ko pagpasok namin sa loob. "Bakit dito mo ako dinala? At kaninong kwarto ito sa'yo?!" Pangiinis ko na tanong sa kanya, Pero tinignan lang niya ako sabay talikod sa akin habang hinuhubad niya ang kanyang black leather jacket. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, Dahil hinubad ko ang Isang sandals na suot ko at binato ko ito sa kanya. "Bastos ka talaga!!" Sigaw ko sa kanya, tumama ito sa likod niya. Hindi ko naman napaghandaan ang paglapit niya sa akin, Para buhatin ako at pabagsak na binaba sa kama kasabay ang katawan niya. Hindi ako nakakilos dahil sa labis na pagkabigla sa kanyang ginawa. " Mabigat ang kamay mo babae! isang beses pa na pagbuhatan mo ako nang kamay mo. May paglalagyan na iyan" Nakangisi niyang sinabi sa akin sabay tayo sa ibabaw ko, Hindi ko naman alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "Kukunin ko ang maleta mo sa ibaba dito ka matutulog, Hindi ka dapat mawala sa paningin ko!" "Bakit dito?! pwede naman sa ibang kwarto ah!" Sagot ko naman sa kanya habang napaupo na ako sa kama. Tumingin lang siya sa akin at ngumisi na parang aso, At muling nagsalita bago niya maisara ang pintuan. "Ayoko!!" Nanlulumo ako kasabay ang aking malalim na pagbuntong hininga, Bakit nandito ako, Kuya ano ba talaga ang ginawa mo. Bakit galit na galit sayo si Lambert. Saglit lang din at muling bumukas ang pintuan. Dala na niya ang maleta ko, Pero muli ulit siyang nagsalita. "Pupunta lang ako saglit sa manggahan wag kana magtangka tumakas dahil hindi ka makakalabas dito!" Hindi ko din siya tinignan ang kahit sumagot man lang sa kanya, Bahala ka magsalita diyan mag-isa. Sa isip-isip ko na lang. "Papaakyatin ko dito si Manang para sa pagkain mo. Kaya kumain kana!" Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko dahil muli ulit siya na lumabas nang kwarto. Dahil nakahiga ako sa kama, napaupo akong bigla dahil may pumasok muli sa kwarto. "Iha kumain kana mamaya pa uuwi si Lambert" Sabi niya sa akin, Nakita ko din ang hawak niya na tray na may laman na pagkain. " Manang may kilala po ba kayo na Rafael Reign?" Bigla ko naitanong sa kanya, Naisip ko baka kasi may alam siya. "Ah si Raf? Oo kilala ko iyon, Mabait na bata masipag at higit sa lahat isang matikas na lalake" Natatawang sagot niya sa akin natuwa naman ako sa sinabi niya. "Paano po ba siya itrato dito? O paano po siya kumilos kong nakikita po ninyo siya?" "Kung ang ibig mong sabihin ay anong ugali meron ang mga nakatira dito? iha' ang masasabi ko lang mababait ang pamilya Casimiro dahil maayos silang napalaki ni Madam Ashly" "Lalo na si Madam Ashly? napakabait niya, Kaya lumaking mapagkumbaba ang mga anak niya" Napatango na lang ako pero muling nagsalita si Manang. "Kung si Raf naman, Ok naman pag nandito siya dahil isa siya sa pinagkakatiwalaan ni Lambert, Oh siya sige maiwan na kita babalikan ko na lang iyang tray" "Sige po salamat Manang" Kinain ko naman ang pagkain na dala ni Manang. Pagkatapos naligo na din ako. Kinuha ko ang Isang mahaba na unan at Nahiga sa gilid nang kama. Ganito kasi talaga ako matulog, Nasanay kasi ako na laging may kayakap pag matutulog yun nga lang isang unan. Dahil siguro sa ilang araw na pag-iisip at pagod kaya madali ako nakatulog. Pero hindi ko alam kung gaano na kalalim ang gabi dahil nagising ako sa ibang amoy na naamoy ako. Habang may yakap pa din ako. Pero bakit tila matigas at tila alo-alon ang yakap-yakap ko. Dinama ito nang palad ko kasabay ang pagtingin ko sa kayakap ko, Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Si Lambert natutulog sa tabi ko nang walang damit at naka boxer short lang. Napaupo akong bigla mula sa pagkakahiga sa kama. Sabay tulak ko sa kanya nang malakas, Nakita ko naman kung paano siya nahulog at biglang tumayo na tila naalimpungatan. "Why did you do that!!!?" Paasik na tanong niya sa akin. "Bakit dito ka natulog sa tabi ko?!" Sigaw ko na tanong ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mo? kwarto ko ito!!" Sagot naman niya sa akin, At muling bumalik sa higaan niya. "Kahit kwarto mo ito wala kang karapatan tabihan ako sa pagtulog!!" Naiinis ko pa rin na sabi sa kanya, Sabay Hampas ko sa kanya nang unan na nahawakan ko. "Mahilig kang manakit babae ka, baka pag ikaw ang sinaktan ko makalimutan mo ang pangalan mo!" Sabi niya sa akin dahil tumama sa dibdib niya ang unan na hinampas ko sa kanya. "Letse ka!! kung ayaw mo umalis dito! duon ako sa sofa matutulog!" "Sige subukan mo lang? baka nakakalimutan mo kung bakit ka nandito?!" Seryoso siya sa kanyang sinabe. "Mahiga kana kung ayaw mo itali kita diyan!" Paguutos niya na sabi sa akin, Pero bago ako nahiga muli ko siyang pinalo nang unan sa kanyang mukha. Dahilan din para mapatagilid ako nang higa patalikod sa kanya dahil sa nasaktan ko na yata talaga siya. "f*****g s**t!!" Narinig ko pa na pagmumura niya. Dahil hindi ako sanay na may katabi na lalaki sa higaan, Hinde ako makatulog pero pinakiramdam ko siya kung natutulog naba siya. Pero narinig ko ang malalim na pag buntong hininga. "Anong gagawin ko dito sa hacienda mo? Paano kung hindi na bumalik dito si kuya Rafael ko?" Tanong ko sa kanya, Dahil alam ko gising siya kahit nakatalikod ako sa kanya. "Bumalik man siya O hindi dito ka lang!" Madiin ang mga salita na sagot niya sa akin, Napaupo ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. "Mr. naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Nakita ko nakahiga pala siya na nakatagilid din pero paharap pala sa likod ko kanina, Hindi ko na lang iyon pinansin. "Ano ba kasi kasalanan ng kuya ko sayo? Bakit kasi ayaw mong sabihin, May utang ba siya? Pwede ko naman siguro iyon bayaran dahil may ipon naman ako kahit papaano!" Mahaba kong paliwanag sa kanya. Pero nanatili lang siya na nakatingin sa akin. At hinde ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. "Wala kang kinalaman sa ginawa niya kaya manahimik ka!" "Yun naman pala eh! bakit ako nandito? May sarili akong buhay! hindi mo ako kailangan ikulong dito!" Sagot ko naman sa kanya. "Basta dito ka lang!" Galit na sagot ulit niya sa akin. Padabog na tumayo siya mula sa pagkakahiga at pagalit na lumabas nang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD