Sa muling pagmulat nang aking mata napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Nagulat pa ako dahil nasa ibang kwarto ako, pero bigla ko din naalala ang nangyari kahapon.
Napatingin na lang ako sa orasan na nakasabit sa pader na nasa aking harapan, 10:am na pala.
Bumaba na ako sa kama para magpunta sa banyo. Hinanap ko ang maleta ko para sana kumuha ng aking susuotin, Pero hindi ko ito makita.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto na aking kinaroroonan. Nagsalubong pa ang kilay ko dahil nakita ko sa ito sa itaas nang malaking aparador. Nagpunta ako dito para ito ay kunin pero hindi ko ito maabot dahil sa sobrang taas.
Napatingin ako sa Malaking aparador na may apat na pinto na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko buksan ang mga bawat pinto nito. Sa unang pinto tumambad sa paningin ko ang mga damit panlalake na mga simpleng t-shirt pantalon at short.
Sa pangalawa na pinto napataas naman ang aking Isang kilay, dahil mga tuxedo at mga mamahalin na kasuotan na sinusuot lang pag may importanteng okasyon.
Binuksan ko naman ang pangatlo pero nanlaki ang aking mata dahil mga kasuotan ko ang nasa loob pati mga panty at bra ko ay naka hanger nang maayos.
Nakaramdam ako nang pagkainis bakit pinakialaman ang mga gamit ko, Hindi naman ako magtatagal dito.
Kumuha na lang ako ng aking susuotin at pumasok na sa banyo para maligo. Tatanungin ko na lang mamaya si Manang bakit kailangan pa ilagay ang mga gamit ko sa aparador.
Pagpasok ko naman sa loob ng banyo may nakita na ako mga shampoo, may bago na din na tuwalya na pambabae.
Nagtaka ako kasi kahapon wala pa ang mga ito.
Maong na short ulit ang sinuot ko, medyo hapit pero hindi naman gaanong kaiklian at plain na white t-shirts.
Lumabas na ako sa kwarto madali ko naman nakita ang hagdanan. Sobra talaga ako namangha sa ganda ng bahay.
Pagbaba ko nakita ko ang isang malaking litrato na nakasabit sa isang pader na malapit sa hagdanan.
Tinignan ko muna ito dahil ang ganda niya sa litrato. Naka uniform siya, Hindi ko lang sigurado kung pang high school o kaya college. Parang may hawig siya kay mam Ashly
Muling lumibot ang aking mata. Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa sobrang laki ng bahay dahil ang daming pintuan na lagusan.
May nakita ako na lumabas na babae sa Isang pintuan hula ko ay bente anyos na siya. Nagulat pa siya sa akin, Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang mapanuri niya na mata. Dahil tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ko. At tila napako ang kanyang mata sa aking hita at binti.
Pasimple ko din naman siyang tinignan nakapa simple lang niya, Naka t-shirt siya na kulay abuhin at palda na lagpas hanggang tuhod, Maganda din siya kung mag aayos lang siya.
Nakita ko din na lumabas si Manang kung saan lumabas ang babae na nasa harapan ko na ngayon. Nagulat din siya Pagkakita niya sa akin. Pero agad din naman siya na ngumiti.
"Oh iha' gising kana pala paaakyatin ko sana itong anak ko para matignan kung ikaw ba ay gising na para makakain kana. Ayaw ka kasi pagising ni lambert, antayin kana lang daw namin magising"
"Eh nasaan po ba ang kusina?"
Pagtatanong ko na lang kay Manang.
"Hindi ba ikaw sa kwarto kakain iha?"
"Hindi po sa kusina na lang po"
Sinamahan nila ako papunta sa kusina napansin ko na panay parin ang tingin ng anak ni Manang sa akin.
Napansin din siguro iyon ni manang.
"Anna dalhin muna itong mga pagkain sa manggahan"
Narinig ko utos ni Manang kay Anna, Agad din naman siya na sumunod at hindi na muling tumingin sa akin.
Habang inaayos ni manang ang mga pagkain sa mesa. nakita ko na may sinangag, pritong itlog, bacon at hotdog.
Meron din tuyo na dilis, kamatis at itlog na maalat. Natakam ako sa tuyo na dilis kamatis at itlog na pula.
Naglagay ako ng pinggan sa mesa,
Napansin ko ang nakangiti na si Manang na nakatingin sa akin. Ngumiti din ako sa kanya may nilapag siya na hot chocolate sa mesa sa harapan ko.
Habang abala siya sa ginagawa niya sa lababo narinig ko ang kanyang sinasabi.
"Iha parang may kamukha ka na nakita ko na dito"
Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Si kuya Rafael, Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy ako sa aking pagkain.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain nang pumasok ang lalaking kinaiinisan ko si "Lambert"
Napako agad ang kanyang paningin sa akin. Bigla ko naman siyang sinimangutan at Pairap na tinignan.
Aminin ko kaya bigla ko iniwas ang aking paningin sa kanya dahil wala siyang saplot pang itaas habang may pawis na tumutulo sa bahaging dibdib niya
Naupo na rin siya sa upuan na nakaharap sa akin
"Iho' hot chocolate gusto mo ba?"
Narinig ko na tanong ni Manang sa kanya.
"Sige po Manang"
Pasimple na sagot niya kay Manang.
Dahil naiinis ako sa kanya. Gusto ko sana tumayo pero bago ko gawin iyon nagsalita na siya.
"Tapusin mo iyang kinakain mo!"
Kaya hindi na ako nagbalak na tumayo, Ayoko muna makipagtalo sa kanya.
Ibinuhos ko na lang aking atensyon sa aking kinakian, Masarap kasi ang tuyo na dilis dahil hindi siya maalat,
.
Nakita ko din na nagdurog siya nang kamatis at itlog na pula, Kung saan duon din ako kumukuha habang nakakamay na kumakain.
Malinis naman siguro kamay niya, At hindi niya hinawak kung saan-saan. Bulong ko sa isip ko.
Nilapag ni manang ang hot chocolate ni lambert sa mesa, Pero bigla ko naman naalala ang mga gamit ko, Kaya bago siya tumalikod tinawag ko na siya.
"Ahh Manang ang mga gamit ko nga pala sana po hindi na po ninyo inayos sa aparador"
Nakita ko na napatingin sa akin si Manang.
"Ahh anong mga damit iha'?" Wala ako pa ako na inaaayos na mga damit"
Sabay talikod niya sa amin at pumasok sa isang pinto na karugtong nang kusina.
Bigla naman ako napatingin kay Lambert na abala sa kanyang pagkain habang nakakamay.
Hindi ko na siya tinanong. Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko habang iniisip na siya ang naglagay ng mga gamit ko sa aparador, Pati mga panty at bra ko isa-isang nakahanger sa aparador.
Tila para ako nauhaw sa isipin na iyon. Kaya bigla kong nainom ang baso na nasa harapan ko. Pero huli nang aking mapansin na mainit pala ang hot chocolate na biglang kong nainom.
"Ouchhhh!!!
Nagulat si lambert at nagmadali na pumunta sa aking tabi kinuha bigla niya ang baso na hawak ko.
"Bakit kasi pabigla-bigla mo ininom!"
Nahimigan ko sa boses niya ang pag-aalala.
Inabutan agad niya ako nang Isang baso na tubig.
"Inumin mo ito"
Kinuha ko naman ang binigay niya at ininom ko naman ito, Muli siyang bumalik sa kanyang upuan at nagpatuloy kami sa aming pagkain nang walang kibuan.
Pinagsaluhan din namin ang dinurog niya na kamatis at itlog nang kapwa kami nakakamay
Ang hot chocolate naman na hindi ko sinasadya na mainon kanina ay sa kanya pala. Hindi ko alam kung namula ang pisngi ko kasi ininom pa din niya ito kahit alam niya na nainom ko na iyon.
Natapos ang aming pagkain na walang naganap na pagtatalo sa aming dalawa.
Bigla ko naisip na sana laging ganito, Pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagkainis sa kanya dahil sa ginawa niyang pagdala sa akin dito.