Rex Cordell

1403 Words
Pagtapos namin kumain sinabihan ulit ako ni Lambert na mag ayos na. "Mag bihis kana kakausapin ko lang ang mga gumagawa ng bakod para pauwiin na sila ng mas maaga" Wala nga pala pasok ang mga tao niya dahil araw ng linggo ngayon. Pero bago siya tumalikod nag tanong muna ako sa kanya. "Ahhm lambert ano ang sasakyan natin papunta duon kotse ba o kabayo?" "Mag lalakad na lang tayo hindi naman' iyon kalayuan mula dito" "Aantayin kita sa labas" Sabi niya sabay halik niya sa noo ko sabay talikod na palabas ng kusina. Umakyat na ako sa itaas at sa kuwarto na niya ako tumungo. pagpasok ko sa kuwarto niya nakita ko malinis na ang kabuuan nito. Nagtungo na din ako sa damitan ko. iisa na lang ang short na maong ko na malinis. Pero hindi naman kaiklian pero may butas sa harapan ng legs. Hindi ko talaga hilig ang mag pantalon nag susuot lang ako niyon pag sa trabaho lang. Maong short ang isusuot ko kaya nga nag-tanong ako sa kanya. Kung ano ano sasakyan namin kung kotse o kabayo? Kasi kung kotse hindi naman siguro siya magagalit kung mag short ako. Pero kung kabayo alam ko uusok na naman ang ilong niya sa galit. Kumuha na din ako ng sleeveless shirt na plain. Hindi naman siya pambahay kasi pinamamasok ko siya sa trabaho. pinapatungan ko na lang ng cardigans pag pumapasok ako. Nag linis na lang ulit ako at nagpalit ng panty at bra dahil kaliligo ko lang din naman kanina. Nag pulbos lang ako at nakalugay lang ang buhok ko na hangang bewang. Nag lagay na din ako ng konting lipstick bahid lang siya kasi likas na naman na may kulay ang labi ko. Bumaba na ako para puntahan si lambert sa labas. Pero nakasalubong ko si Manang sa sala. "Stella hinihintay ka ni Lambert sa labas dalhin mu na lang sa kanya ang mga ito" Sabi sa akin ni Manang tinignan ko ang laman. lambanog ito dahil nakita ko na ito minsan na iniinom ni tito. "Sige po Manang" Sagot ko at sabay labas na ng pinto, Hindi pa ako nakakalayo sa pinto nakita ko na agad ang likod niya. may kausap siya na may edad ng na lalaki. Nang mapatingin sa akin ang kausap niya napalingon din siya. Nakita ko na naman ang seryoso na mukha niya. Napa bulong tuloy ako wag mo ako uumpisahan lambert! Tumalikod na ang kausap niya palayo at siya naman niya na lapit sa akin na salubong na ang mga kilay. "Magpalit ka ng damit mo! lalo na iyang nakakairita na short mo!!" Bulyaw niya sa akin sabay hatak pabalik sa pintuan. Pero hindi ako nag patalo pabalya ko na tinanggal ang kamay ko na hila-hila niya. Matalim ang mata niya na tumingin sa akin. Nilabanan ko din ang galit niya na tingin sa akin. "Ano ba ang problema mo sa mga sinusuot ko??!!" Naiinis ko na tanong ko sa kanya. "Pag ipinilit mo ako magpalit! hindi ako sasama sa'yo papunta duon. kahit kaladkarin mo ako!!! Pagalit na sigaw ko sa kanya. "Lalong hindi ako sasama sa iyo kahit na kailan!!!" Dahil sa huling sinabi ko bigla niya na hinapit ang bewang ko at hinalikan ako nang marahas. Halos sakupin niya ang buong labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakatugon agad. Naramdaman ko na habang nasa bewang ko ang isa niyang kamay. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na plastik na may laman tatlong bote. Buti na lang ginawa niya iyon dahil baka mabitawan ko ang hawak ko. dahil sa ginawa niya. Kusa nang tumugon ang labi ko sa ginawa niya. kaya naging magaang na ang pag halik niya sa labi ko. Nagtagal din na ilang segundo ang naganap sa amin sa labas ng pituan. Pagkaalis ng labi niya sa labi ko. Tumingin Siya sa labi ko. Umangat ang kamay niya para punasan ang buong gilid nito, "Yan wala na! mas bagay sayo ang walang lipstick!" "Hintayin mo ako dito.may kukunin lang ako saglit sa itaas." Huling sinabi niya. sabay kuha niya sa plastick na hawak ko. binaba niya muna ito sabay nagmadali na pumasok sa loob ng bahay. Ano iyon? binura niya ang lipstick ko? Tulala na tanong ko sa sarili ko. Sinundan ko ng tingin ang pinto na pinasukan niya hindi naalis ang tingin ko sa pintuan. Nagulat na lang ako kasinnasa harapan ko na pala siya. may suot na siya na leather jacket. Pero dahil nakabukas lang ito. hindi naitago ng suot niyang white sando ang malaking dibdib at mga muscle niya na bumakat na sa sando niya. Napatingin ako sa kanya nang sinuotan niya ako ng leathers jacket at sinara niya ito hangang leeg ko Sabay kuha niya sa plastick na may laman na lambanog at sabay hila na sa kamay ko palayo sa bahay. Wala kaming kibuan habang naglalakad kamim basta nakasunod lang ako sa kanya. Dahil hindi niya parin binibitawan ang kamay ko na hawak parin niya. Nakarating kami sa bahay ni tatang sebastian na sinasabi niya. Natuwa ako nang makita ko si stella sa labas ng bahay habang may inaayos siya sa lamesa. Napatingin Siya sa amin at sinalubong ako ng magandang ngiti. "Sabi ko na nga ba Ikaw ang sinasabi nila na kasama ni señorito Lambert eh!" Nginitian ko din siya pero nanatili na hila ni lambert ang kamay ko patungo para pumasok sa pintuan ng bahay. Napansin niya na pinigilan ko siya. Napatingin siya jay sitas kaya naintindihan naman niya agad. Pabuntong hininga niya binitawan ang kamay ko. mag isa siya na pumasok sa loob ng bahay. "Bakit nandito ka?" Masaya kong tanong kay sitas inaya niya ako maupo sa upuan na habang inaayos niya kanina ang mesa. "Tatay ko kasi ang may birthday" Masaya niya na sagot sa akin. "Nagpupunta pala sa ganitong okasyon si lambert? Pagtataka na tanong ko sa kanya, Dahil wala pa talaga ako alam kung ano meron pagkatao ang isang lambert Casimiro. "Oo naman' strikto lang siya pero marunong makisama at hindi niya mahihindian si tatang" paliwanag niya ng nakangiti. "Para na kasi niya na pangalawa na ama si tatay. dahil si tatay ang halos nagturo sa kanya mangabayo at personal na nag aalaga ng mga kabayo niya hanggang ngayon" Pinakinggan ko ang lahat ng sinabi ni sitas tungkol kay lambert. Gusto ko pa sana mag tanong ng tungkol pa kay lambert ng biglang may dumating na mga kalalakihan na may buhat-buhat na videoke. Kaya napatayo kami ni sitas para padaanin sila. Napatingin kami ni sitas sa kanila habang inaayos nila ang videoke. May lumapit sa amin na isang lalaki napatingin ako sa kanya. Mauti siya kasing tangkad ni lambert at matikas din ang panga-ngatawan Makapal ang kilay ang tangos ng ilong at ang buhok niya napakalinis tignan. Dahil bagsak ito maganda ang pagka clean cut bad boys niya. ang ekspresyon ng mukha niya ay parang lagi na may nakahandang ngiti. Ang pananamit at ang tindig niya' halatang hindi siya tagarito. "Hi nakapasa ba ako sa panlasa mo?" Naknagiti niya na tanong sa akin napreskuhan ako sa tanong niya. "Nagbibiro lang ako. natuwa lang kasi ako kung paano mo ako tignan" Nakangiti niyang paliwanag sa akin. "Tagarito kaba? Tanong niya sa akin. "Pwedeng Oo Pwedeng hindi" Sagot ko na lang sa kanya. "hah? ang gulo naman' nun" Napakamot siya sa ulo niya ng nakangiti, "Matagal din ako natira dito. dahil sa tito ko pero matagal din ako nanirahan sa Maynila" Sagot ko sa kanya na lang. "Edi leñasiyana ka?" "Ha? anong leñasiyana?" Natatawa siyang sumagot, "Meaning half manileña' half probinsiyana" Natawa ako sa sinabi niya. "Joke lang iyonn napangiti din Kita" Nakangiti niyang sabi sa akin. " I'm Rex cordell" Lahad niya sa kamay niya sa akin. Tinangap ko naman ang kamay niya dahil mukha naman siyang mabait. "Stella Reign" Sagot ko sa kanya pero bago niya mabitawan ang kamay ko may nginunguso na si sitas kay Rex. Palingon pa lang sana ako para tignan kung ano iyon? pero biglang may humila na sa kamay ko na hawak pa pala ni Rex. Si Lambert parang nag liliyab ang mata na nakatigin kay Rex. "Akin Siya!" Biglang bigkas ni lambert na lalo pa na humigpit ang hawak sa kamay ko. "Really?" Sagot ni Rex sa nakakaloko na tingin kay lambert. Bago sumagot si lambert nakita ko na bigla nang hinila ni sitas si Rex. Narinig ko din na tinawag niya ito na pinsan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD