No Arms can ever hold you..

1157 Words
Natapos ang kanta ni Rex na hindi ko inalis ang mata ko kay Lambert. Hindi ko alam para ba na gusto ko siya yakapin dahil para ba na tumatagos sa puso ko ang ungkot na nakikita ko sa kanyang mga mata. Hindi ko alam pero naguluhan ako. Bakit ako humahanga sa isang lalaki kung nasasaktan naman ako pag nakikita ko na nasasaktan si lambert? Ang uri ng tingin niya sa akin na para bang pinababatid nito na nasasaktan siya. Iniwas ko na ang tingin sa kanya dahil parang naninikip ang dibdib ko sa klase ng tingin niya. Hindi ko namalayan na napaparami na ako ng iniinom dahil sa patuloy na gumugulo sa isipan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko na pinipilit nila si lambert na kumanta. Hindi na siya sa akin nakatingin nakikipag biruan na siya kila tatang. Pinag masdan ko siya habang ngumingiti para na na ibang tao ang nakikita ko ngayon. Ang lakas na naman nang t***k ng puso ko sa tuwing tumatawa siya kila tatang. Naging bulag lang ba ako na makita ang isang Lambert Casimiro? Bakit kailangan pa na may mag patunay para maamin ko sa sarili ko ito? Iba ang humahanga sa tunay na sinasabi ng puso ko. Natuwa ako sa isipin na iyon. natuwa ako na hindi ako pala salawahan ang puso ko. Napangiti ako na napatingin ulit kay lambert. bigla din naman na napatingin siya sa akin habang nakikipag tawanan pa din kila tatang. Nginitian ko siya. Para ba na nagulat pa siya sa ginawa ko. napatingin pa siya sa baso na hawak ko na wala ng laman. Nawala ulit ang tingin niya' sa akin ng binigay ni tatang ang mic sa kanya na kinagulat niya pa. Tinatawanan niya' si tatang na nilalayo niya' ang mic pero mapilit si tatang sebastian, Wala na siya nagawa ng tumugtog na ang kanta na napili ni tatang. *NO ARMS CAN EVER HOLD YOU* Baby, frozen tears it was hard through the years Natulala ako sa boses niya... I'll never give up never one of my dreams Napatingin siya sa akin.. And deep inside is my love still alive and God only knows that I can't let you go.. Para ba na hindi bumubuka ang labi niya pag kumakanta siya. para bang hindi siya hirap sa pagbirit. when I'm in love it ill be for better I gave you my heart forever and ever Hindi na niya inalis ang mata niya sa akin. para ba ang lahat ng kanta na lumalabas sa bibig niya' sinasabi na iyon ang laman ng puso niya'.. No arms can ever hold you more than I do No man can ever love you, no it's true no arms can ever hold you more than I do.. Ayoko alisin ang mata ko sa kanya habang binigkas niya' ang mga kataga na iyon, Dahil iba ang klase ng pagka-kabigkas niya' sa pamamagitan ng kanta,. Halos madiin! pagalit! habang nakatitig siya sa akin. you came to me from heaven, girls it's true.. Hanggang sa natapos ang kanta na hindi nag hiwalay tingin namin sa isa't isa. Napabalik lang ako sa sarili ko. nang kinalabit ako ni sitas. "Stella hindi kana makaka-pagkaila dahil halata nama na may relasyon kayo ni sir Lambert" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. mapungay na ang mata niya dahil na din sa iniinom namin. "Kahit sa kanta sinasabi niya sa'yo na walang ibang puwede na makahawak sa'yo. Hindi na ako kumibo o kinaila ang sinabi niya. Dahil sa bahagi ng puso ko natuwa ako at may napatunayan ako. Tumingin ulit ako kay lambert na sa akin pa din nakatingin habang iniinom niya ang baso na may laman na lambanog. Gusto pa kita makilala Lambert Casimiro bulong ko sa isip ko. Nag uwian na ang ibang bisita ni tatang kaya ang naiwan na lang mga kamag anak nila. "Stella' sitas' lumipat na kayo dito" Tawag sa amin ni tatang. atumayo kami para lumipat na sa lamesa nila pag tayo ko nakaramdam ako ng konti na pagkahilo. Pero hindi ako nag pahalata bumalik ako kung saan ako nakaupo kanina. Tumabi ako kay lambert pero bigla siya na tumayo kaya nagulat pa ako. Pero bumalik din siya agad. kinuha lang pala niya ang dalawa na jacket na naiwan ko sa kabilang mesa. Muli niya ito ipinatong ang Isang jacket niya sa mga hita ko. "Hiindi kaba nag sasawa na gawin yan?" tanong ko sa kanya. "Kung hindi ka mag sasawa mag suot ng ganyan mga klase na short' hindi din ako mag sasawa na ulit ulitin ito" Sagot niya lang sa akin, Ang isa na jacket naman isusuot ulit niya sana sa akin pero tumanggi ako. "Huwag muna isuot iyan kanina pa mainit ang pakiramdam ko e'" Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Bigla niyang dinama ang noo at leeg ko, "May sakit ka? masama ba pakiramdam mo? Umiling ako. "Dahil yata diyan sa lambanog" Sabay nguso ko sa bote sa mesa, Nakita ko na napatitig siya sa nguso ko kaya bigla ko na inayos ito. "Bakit kasi hindi ka nagpigil uminom?" Sabi niya' sa akin, "Marami lang kasi ako mga katanungan kanina na hindi ko mahanap ang sagot" "Ang lalim naman nun" Sabi niya sa akin habang inom ulit sa lambanog na nasa harapan niya' "Pero bigla ko din nasagot ang mga katanungan na iyon" Napatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Nagulat pa din siya sa pag ngiti ko. "Ang ganda pala ng boses mo" Sabi ko sa kanya, Ang lalim nang ginawa niya na tingin sa akin "hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo" Sagot niya na bigla ulit sumeryoso ang kanyang mukha. "bakit naman'?" tanong ko naman sa kanya. "Parang iba ang hinahangaan ng mata mo kanina sa sinasabi mo ngayon" Nagulat ako sa sagot niya. Hindi ko na siya sinagot pero bulong ko Ikaw ang hinangaan ko kanina. "I'm jelous" Narinig ko na bulong niya. Naputol ang pag-uusap namin ng mag salita si tatang sebastian, "lambert iho' ano pala gagawin sa baboy ramo na pinahanap mo sa batis?" "Hindi ko pa alam tatang. ang gusto ko po sana malaman sino ang nag sadya na pakawalan ang hayop na iyon sa batis?" Sagot ni Lambert Kay Tatang sebastian. "Hayaan mo at magpa-patulong ako sa mga tao. aalamin ko kung sino ang mga tao na nakita nila ng mga oras na nanduon sila stella" "Kuwento kasi ni sitas may nakita daw siya sa likod ng puno na tumakbo ng sakto na lumabas ang hayop na iyon sa harapan nila" Mahabang salita ni tatang. Nagulat ako sa pinag-uusapan nila. hinawakan ni Lambert ang kamay ko habang nakikinig kay tatang. Nakaramdam ako ng takot sa pinag-uusapan nila. Ang baso na puno ng laman na lambanog ni Lambert ay nainom ko ng bigla habang hindi siya nakatingin. Dahil din kanina ko pa pinipigilan ang hilo ko sa pagka-kataon na ito hindi ko na nakayanan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD