Hindi ako alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi sa akin ni sitas, Nakaramdam ako nang konting kirot' pero nawala din naman dahil tulad ng sinabi niya lasing si lambert at pangalan ko ang sinisigaw nung mga panahon na iyon, Pagsapit nang tanghali sinundo ako ni lambert para Kumain na kami tulad nang dati duon ulit kami sa puno pumwesto, Pinagbalat ulit niya ako nang mangga pagkatapos namin Kumain, Naisipan ko magtanong sa kanya habang nakasandal ulit ako sa dibdib niya habang kumakain nang mangga, "Darling nung mga ilang araw na wala ako dito' Nag iinom kaba?" Paglalambing na tanong ko sa kanya, Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya, "Yes darling iyon lang kasi ang paraan para kahit papaano mawala ang sakit na nararamdaman ko pag alam ko na wala ka sa tabi ko