"Senyorita Zia, pinapatawag na po kayo sa baba ni Senyor Vulcan. Dumating na po siya at hinihintay ka roon sa may salas," wika ng katulong nang pagbuksan ko siya ng pinto. Akala ko kung sino na ang kumakatok, ang lawak pa naman ng ngiti ko, akala ko siya na. Nakatulog kasi ako at hindi namalayan ang oras. Sabi niya kasi kaninang umaga ay maaga siyang uuwi ngayong gabi pero tumawag siya na baka mahuli siya ng uwi dahil may biglaan silang conference meeting. Dumating na pala siya galing sa trabaho. Akala ko alas-diyes pa sila matatapos. Mabuti at hindi pa ako kumain. Magtatampo siya sa akin kapag hindi niya ako nakasabay sa hapunan. Tampururot pa naman ang isang iyon. Tumatandang paurong at nag-aastang kaedad ko. Palihim ko na lang siyang tinatawanan. Nagmumurang kamyas ang Uncle ko! I