Isang baso ng malamig na tubig ang nagpakalma sa galit na nadarama ko sa aking dibdib. Mabuti at agad akong binigyan ng tubig ni Manang Cora kung hindi ay baka malamang sa mga oras na ito ay mas marami pa akong nabasag na mga gamit dahil sa galit na hindi ko mailabas dito sa aking dibdib. "Salamat naman at huminahon ka na, Vulcan," ani ni Manang Cora pagkatapos kong maubos ang tubig. "Patawarin mo ulit ako kung nagawa ko man ilihim sa iyo ang ginawa ni Mahlia sa anak niya," hinging paumanhin ni Manang Cora habang nakayuko sa harapan ko at sising-sisi sa ginawa niyang paglilihim sa akin. Binaba ko ang baso ng tubig at nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. Bago ako banas na hinagod ang aking buhok at mariing pumikit. I can't imagine how she cried that day. Ilang beses daw siyang