"Jake, can you check on my schedule this afternoon?" utos ko kay Jake pagpasok ko pa lang sa office na pansamantalang ginagamit namin bilang tanggapan dito sa Baguio City. Galing ako sa cafeteria sa baba ng building. Nagkape ako habang binabasa ang ilang mahahalagang dokumento na pinadala sa email ko. Nadatnan ko naman siya rito na abala sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Mukhang nagsusulat na siya ng mga schedules ko para bukas at sa susunod pang mga araw. "Yes, Boss." Agad na tumalima ang assistant ko at dinampot ang kanyang notebook na nakapatong sa desk niya ma sinusulatan lang niya kanina at mabilis na pinasadahan ito ng basa. "Clear ang schedule mo this afternoon, Boss V. You have plenty of time to rest and sleep," masayang pagbabalita ni Jake sabay lapag ng notebook s