Nagpahatid ako sa school pagkatapos kong kumain ng almusal. Light breakfast lang ang kinain ko, pancake with maple syrup at sterilize milk. Pinagbabaon ako ni Manang Cora ng sandwich ngunit tinanggihan ko lang ito. Hindi ko rin kakainin dahil ang plano ko ay magtutusok na lang ako ng fishball sa labas ng university kapag oras ng breaktime. Nagki-crave ako ng ganoong pagkain noong isang araw pa dahil matagal akong hindi nakatikim. Masarap kasi ang sauce at alam kong malinis dahil bawal sa school ang walang sanitary permit kapag nagbebenta ng pagkain. Aayain ko na lang sina Guia at Kyla dahil katulad ko ay gusto rin nila ang pagkaing gano'n. Dagdagan na lang namin ng kwek-kwek, kikiam, at kung ano-ano pang tusok-tusok na binebenta sa labas. Mabagal akong naglakad papunta sa building namin