Umuwi ako ng bahay ni Uncle Vulcan na wala ako sa aking sarili. Pagkatapos naming mag-usap ni Mama ay agad ko siyang iniwan at hindi dinala ang gamot na gusto niyang inumin ko para hindi raw ako magbuntis. Hindi ko kinuha dahil ayaw kong kumpirmahin ang hinala sa isip niya. Hanggang hindi ko inaamin sa kanya na may nangyayari nga sa amin ni Uncle Vulcan, alam kong magiging safe ako para gamitin sa kanyang maitim na balak. Hindi ko na nagawang magpaalam sa aking ama at mga kuya. Malamang magtataka sila kung bakit bigla akong umalis ng hindi nagpapaalam. Pangako ko pa naman sa kanila na sasabayan ko silang mag-dinner. But my mother ruined the mood, heto tuloy ako umiiyak habang paakyat ng hagdan at hindi ko alam ang aking gagawin. Iyak ako nang iyak nang makarating ako sa kwarto namin ni