"Yes! Yahoooo!" Naglulundag ako sa tuwa sa ibabaw ng kama at paimpit na tumili nang makaalis na nang tuluyan ang halimaw. Sa wakas! Magiging malaya ako sa loob ng pitong araw. Magagawa ko ang gusto ko na hindi siya aali-aligid sa akin. I planned to sleep all day. Tapos paggising ko ay lilipat ako sa kabilang bahay para makipagkwentuhan sa aking mga magulang at kapatid. Pagkatapos no'n ay sabay-sabay kaming kakainin ng hapunan. Tapos mga gabi na ako uuwi, mga alas nuebe gano'n. Magpapaalam ako kay Manang Cora tutal sa kabilang bahay naman ang tungo ko. Kinabukasan, back to school na ako. Ilang araw din akong lumiban ngunit tingin ko naman ay kayang-kaya kong humabol sa mga aralin. Kokopya na lang ako kina Guia at Kyla ng mga notes ng aralin na na-miss kong isulat nang mawala ako ng ilang