The Badboy's POV Part III "Siguro naman alam nyo na ang mangyayari sa mga magulang nyo oras na hindi nyo nilayuan si Isabella?" Malamig kong wika sa tatlong lalaking nakahilera sa harapan ko. "Babagsak ang mga negosyo ninyo at sa isang pitik ko lang ay sa kangkungan ang bagsak ninyong lahat, ayaw nyo naman sigurong mangyari yon hindi ba?" Pinalayo ko ang lahat ng mga lalaki kay Isabella dahil ang sakit sa mata nilang makita lahat na dumidikit sa babaeng pagmamay-ari ko. Ako lang ang dapat na nakakalapit kay Isabella bukod sa Tatay at Kuya niya. Alam kong magagalit si Isabella sa ginawa ko at hindi nga ako nagkamali. Tuwing makikita niya ako ay iniiwasan niya ako pero dahil matigas ang ulo ko ay pinanindigan ko ang kinalat ko sa buonh school na asawa ko siya. Kahit nasasaktan ako sa gi