Chapter 3

2276 Words
Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Paano ba naman, nang dumating ako dito sa bakuran nila kung saan idadaos ang party nila ay hindi na nawala ang malamig at matalim na titig sakin ni Sven. Ayaw nya akong dumalo dito sa party nila pero wala akong nagawa nang ayusan at bihisan na ako ni Suzy. At siguradong iyon ang pinagpuputok ng butchi ni Sven. At dahil ayaw nya akong dumalo at wala syang nagawa ay, sa mga titig nyang nakakapaso dinadaan ang parusa sakin. My god! What the hell is happening with me?! Dapat di ako nakakaramdam ng ganitong kaba at ilang dahil lang sa mga titig nya. Napapikit din ako nang maramdaman ang malamig na hangin na humahaplos sa lantad kong mga balikat. Ilang na ilang ako sa suot kong black offshoulder dress, pero wala akong magagawa dahil ito ang gusto ni Suzy na isuot ko. Litaw na litaw ang kaputian ko dahil sa kulay nito. Napa-buntong hininga na lamang ako at ang tanging nasa isip ay ang sumabay sa agos. "Hi! You must be Isabella Laxamana, right?" Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. Nakatitig sya sakin at malaki ang ngiti na ikina-ilang ko. Naglahad sya ng palad kaya kinuha ko iyon para makipag-kamay pero nagulat ako ng dalhin nya ang palad ko sa kanya at hinalikan ang likod habang mariin na nakatingin sakin. "I'm Jan Montefalco." "H-hi!" Ilang na bati ko at hinila agad ang palad ko mula sa kanya dahil mukhang wala pa syang balak bumitaw. Tumawa naman sya ng bahagya sa ginawa ko na ikina-pula ng mukha ko. "Hey, Jan! Off limits na yang si Isabella huh? You know.." Tumatawang sambit ni Damien habang lumalapit sa pwesto namin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya pero hindi na ako kumibo. "Yeah, yeah. I know! I just want to pissed him." Taas ang isang kilay na sambit ni Jan atsaka ngumisi sakin. Nag-iwas ako ng tingin at nadako ang tingin ko kay Sven na ngayon ay mas tumalim ang tingin sakin. What the hell is his problem?! Wala akong ginagawang masama. Alam kong ayaw nyang nandito ako sa party nila pero sobra naman syang magalit sakin. Hindi ko nalang sya pinansin. Dahil baka sa ginagawa nyang paninitig sakin ay mahimatay pa ko dito. Nakakahiya pa. Bumalik ang mga mata ko kay Damien na may dalawa nang katabing lalaki ngayon bukod kay Jan Montefalco na nakipagkilala na sakin. Pare-parehas silang gwapo at halatang mayayaman. Si Jan Montefalco na nakipagkilala kanina ay halatang playboy. Yung dalawang bagong dating ay, yung isa halatang bored sa party at mukha syang goodboy. Habang ang isa ay, napakaligalig. Tawa ng tawa at nanghaharot, maloko ang tamang salita. Napapitlag ako sa pagtitig sa kanila nang pumitik sa harap ng mukha ko si Damien na naka-ngisi na ngayon. Namula ng husto ang mukha ko dahil sa pagka-pahiya. Nahuli nila akong tinititigan sila. "Hello, Isabella! I'm Richmond Montemayor, pinsan ako nila Damien." Naglahad din sya ng kamay at nang abutin ko iyon ay ganun nalang ang pagkabigla ko nang halikan nya ang likod ng palad ko. "It's so nice to meet you baby girl." Namula ako lalo sa tinawag nya sakin na babygirl. Binitawan nya ang kamay kong nanginginig at pinilit na ngumiti sa kanya. "Haxlee Montiveros." Tamad na sambit ng isa pa nilang kasama. At dito ako lubos na nabigla. Mabilis lang naman syang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi ko. "You're really beautiful." Bulong pa nya bago lumayo sakin. Nagtawanan silang apat at ang maligalig na si Richmond ay nag-umpisa nang mang-asar saming dalawa ni Haxlee. "Bro! Palad lang ang hinalikan namin, ikaw umabot ng pisngi!" Tumatawang sambit ni Richmond. Sinuntok pa ang braso ni Haxlee na ngayon ay masamang nakatitig sa kanila. Pero binalewala nila yon at mas inasar pa kami. Habang ako ay tahimik lamang at nakayuko dahil sa kahihiyan. "Who said that you can kiss Isabella?" Natigil ang tawanan at binalot ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang malamig at baritono nyang boses. Masisindak ka sa bawat pananalita nya dahil ramdam na ramdam mo ang inis at galit nya. Nadagdagan pa ata ang panlalamig ng mga kamay ko. "It's just a kiss dude! And I didn't kiss her lips. Sa cheeks lang bilang pagbati." Balewalang sagot ni Haxlee. Pero ang tatlong katabi nya ay tila walang alam sa nangyari kung mga kumilos. Si Richmond ay kinuha ang pagkain na nasa mesa at balewalang nilantakan iyon. Si Damien naman ay kinuha ang isang bote ng alak sa napadaan na waiter at kunwaring chine-check iyon. And last, ay si Jan dinukot pa ang cellphone, nagkunwaring may tinatawagan samantalang baligtad ang pagkakahawak nya sa phone nya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko dahil baka masipa ako paalis ng party ni Sven. "And why are you smiling, Isabella?" Napatikhim ako nang marinig ang nagbabantang boses ni Sven. Hindi ko namalayan na napa-ngiti na ako dahil sa kalokohan ng apat. Sinalubong ko ang mga matatalim nyang mata. "Wala naman, Sven." Mahinahon kong sagot at nag-iwas na ng tingin. "Hey, guys! Ano pinag-uusapan nyo? Let's enjoy the party! Come on!" Nakahinga ako ng maluwag nang bumungad samin si Suzy, ganun din ang apat dahil sabay-sabay nilang nilagpasan si Sven na masama ang titig sa kanila, para salubungin si Suzy na ngayon ay naka-ngiti na samin. Alas-dos na ng madaling araw natapos ang party nila Suzy, at pakiramdam ko ay bangag na bangag ako. Ito ang kauna-unahan kong pag-inum ng alak, at pinagdadasal kong hindi ako mabulyawan ni Kuya Mon. Sila Suzy, Damien, Jan, Richmond, at Haxlee ay bangag narin at hindi ko na sila mahagilap. Basta nalang akong iniwan ni Suzy sa isang lalaki na nasa gilid ko. Naririnig ko pa ang pagmumura nya ng ilang beses habang pinagmamasdan ako. Malabo man ang paningin ko dahil sa kalasingan ay nakilala ko ang lalaking umaalalay sakin. Sven. Hindi na ko nakaangal nang buhatin nya ko in a bridal way. Pagpasok namin sa guestroom nila ay napahagikgik ako dahilan para makita ko ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Ang gwapo, shet! "Why are you laughing?" Himala at malumanay ang pagkakatanong nya ngayon? Dahil ba sa lasing ako? Araw-araw nalang sana akong lasing para kinakausap nya ako ng ganito. "Nothing. Ang gwapo mo." Sambit ko sabay bungisngis. Napamura na naman sya at tumikhim. "Matulog kana." Hindi yun pakiusap kundi utos. Inilapag nya ako sa kama na nasa guestroom nila atsaka ko naramdaman ang mga kamay nya sa paa ko. Tinatanggal nya ang sandals kong suot. Pagkatapos ay itinaas nya ang kumot hanggang sa dibdib ko. Nakapikit na ako nang maramdaman ko ang nakakapaso nyang mga titig. Nag-kunwarian na lamang akong tulog kahit ang totoo ay hindi pa. "Goodnight, Isabella." Bulong nya bago ko naramdaman ang mainit nyang labi sa noo ko. Tulala ako habang nakaupo sa mesa naming magka-kaibigan. Lunch break na namin ngayon kaya nandito na kami sa school canteen para mananghalian. Kanina pa kong tulala pagka-pasok ko dahil hindi ko talaga alam kung nananaginip ako o totoong nangyari yun, o ayaw ko lang talaga aminin sa sarili ko na nagawa akong halikan ni Sven sa noo? Una, sa labi. At sya pa ang first kiss ko. Pangalawa, eto naman. "Hello to earth, Isabella Laxamana!" Iritadong sigaw sakin ni Cleo na ngayon ay nakabusangot ang mukha habang nakatingin saken. Napakurap ako, at hilaw na napangisi. "Ano ba yang tinutulala mo ha?! Kanina pa kita tinatanong kung ano gusto mong pagkaen pero mukhang wala ka naman sa sarili mo kaya ako nang bahala!" Tinalikuran na nya ako kasama si Hanna, para bumili ng mga pagkain namin. "Huy! Ano ba kasing iniisip mo at nawawala ka sa sarili mo ha? Kanina ka pa sa klase. Napagalitan ka tuloy ni Sir Aragon." Irap na sambit sakin ni Nicole. Sanay na ko sa mga katarayan nila. Ganun lang sila pero mababait sila at mahal na mahal ako. "Wala. Wala ito." Deny ko. Ayokong malaman nila ang ginawa sakin ni Sven. Dahil baka paglamayan na bukas agad si Sven. "Kanina pa kayo? Pasensya na, late kami." Sambit ni Oliver habang umuupo sa tabi ko kasunod sina Peter at Jake. "Okay lang. May practice pa kayo sa basketball diba mamayang hapon?" Tanong ko para mailiko ang usapan yungkol sa pagkakatulala ko. "Oo. Nood kayo, Bella!" Ngising sabi ni Jake sakin. Nakasanayan na nilang tawagin akong Bella dito sa school. Masyado daw mahaba ang pangalan ko kaya pinaikli nila. "Balita ko may mga bagong transfer dito sa school, Bella?" Sambit ni Peter habang inaayos ang mga libro nya sa kanyang bag. "Ha? Wala akong alam na may mga bagong transfer." Nagtataka kong sagot. Ilang buwan nalang graduation na, tapos biglang may mga trasferee? Ang lakas naman pala nila sa school na'to kung ganun. "Here's our foods. Let's eat naaaa!" Masayang sabi ni Hanna kaya naagaw ang pansin naming lahat. "Mga kababata mo ang transferee, at hindi lang ata sila. May iba pa. At balita ko puro gwapo iyon at mayayaman." Sambit ni Cleo habang sumusubo ng kanin. "Ang alam ko ang pangalan ng tatlong transferee ay, Richmond Montemayor, which is pinsan nila Suzy, yung kababata mo Bella. Tapos yung dalawa ay sina Haxlee Montiveros at Jan Montefalco." Balewalang dagdag na sabi ni Nicole. Nalaglag ang panga ko sa mga narinig, pero nagkunwaring hindi ako naapektuhan. Tumikhim ako bago nagsimulang kumain ng tahimik. May mga tanong sa isip ko na hindi masagot. Sabagay, buhay nila yun at labas ako dun. Sa pagkakaalam ko kasi, babalik sila agad ng New York magkakapatid. Hindi ko alam ang nangyari kung bakit dito na sila mag-aaral. Isa lang kasi ang ibig sabihin nun, mananatili na sila dito sa Pinas. "Bella, Hanna, Nicole at Cleo, una na kami ha. Hintayin namin kayo sa basketball court. Panuorin nyo kami." Ngising sambit ni Jake habang inaayos ang bag nya. Papasok na kami sa mga klase namin dahil tapos na ang lunch break namin. "Asahan namin kayo ha." Pahabol na sabi ni Oliver at kinindatan pa kaming apat bago sila nagtawanan ni Peter. Irap lang ang sinagot namin sa kindat nya. Boys! Mabilis lang natapos ang mga klase namin kaya sabay sabay na kaming pumunta dito sa locker room para iwanan ang iba naming gamit. "Sino ang kalaban kaya nila Oliver ngayon?" Tanong ni Hanna habang binubuksan ang locker nya. "Ang alam ko ay ang kabilang school. Ang Greene University." Sagot naman ni Cleo. "Girls, hindi na ako makakanuod ng laban. Kailangan ko nang umuwi eh. Tutulungan ko pa si Nanay." Sabi ko sa kanila. Alibi ko lang iyon dahil gustong-gusto ko nang makausap si Suzy tungkol sa pag-transfer nila dito sa school. "Sige. Basta next time bumawi ka ha!" Ani Nicole. Bumeso muna ako sa kanilang tatlo bago umalis. Hindi narin ako nagpaalam kila Oliver dahil sa kabilang building pa yun. Pagdating ko sa bahay ay nagpalit agad ako ng mahabang palda at isang tshirt na fit sa katawan ko. Itinali ko rin ang nakalugay kong buhok dahil naiinitan ako. "Bunso, saan ang lakad mo? Kakauwi mo lang ah." Bungad sakin ni Kuya Mon pagkalabas ko ng bahay. Kasama nya si Kent na nakaupo lang sa isang tabi habang nagse-cellphone. "Kila Suzy lang kuya." Tumango lamang sya kaya nilagpasan ko na sila ni Kent na ngayon ay nakatitig sakin. Imbis na ngitian ay nag-iwas ako ng tingin. Malapit lang naman ang bahay namin sa mansyon ng mga Montemayor kaya nilakad ko nalang. "Isabella, ikaw na ba yan? Napakaganda mo namang bata hija." "Maraming salamat ho Manang Yolly. Kamusta po kayo?" "Ito nag-aalaga ng apo ko. Ikaw nag-aaral ka pa diba?" "Opo, manang. Ang cute naman po ng apo ninyo." Pinisil ko pa ang pisngi ng batang lalaki. "Ay oo naman! Teka, hinahanap ko ang ama nito at iiwan ko saglit dahil pupunta ako ng palengke." Tila nagmamadali si Manang Yolly kaya napatingin ako sa inosenteng bata, at ganun nalang ang ngisi ko nang makitang gustong sumama sakin ng bata. "Manang Yolly, gusto mo po ako nalang mag-alaga muna sa apo mo?" "Sigurado ka ba hija?" "Opo. Mahilig po ako sa bata." Nakangiti kong sambit bago kinuha sa kanya ang apo nya. Marami syang ibinilin at inabot sakin ang bag na may lamang mga kailangan ng bata. At napag-alaman kong, Sven Ivan ang pangalan ng bata. "Manong Edgar, pabukas naman po ng gate. May bitbit po ako bata eh." Bungad ko sa guard ng mga Montemayor. Kilala naman na nila ako kaya agad papasukin nila ako, problema lang ay di ko mabuksan ngayon ang gate. "Oh Isabella! Kaninong anak yang dala mo?" "Sa kapitbahay po namin. Sige po, pasok na kami. Salamat sa pagbubukas ng gate manong!" Umupo muna kami sa sala ni Baby Sven habang hinihintay kong dumating si Suzy. "Baby Sven, nagugutom kana ba? Gusto mo na bang dumede?" Nakangiti kong tanong sa bata na sinagot lang ng hagikgik. "Can I?" Isang malamig na boses ang narinig ko kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko nang makita si Sven Axl na nakahalukipkip sa di kalayuan at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan. "What?" Tanong ko. Kami lang naman ni Baby Sven ang tao dito sa sala bukod sa kanya kaya siguradong ako ang kausap nya. Ngumisi sya na ikinabigla ko. Ito ang unang beses na ngumisi sya sakin ng nakakaloko, at hindi ko alam kung bakit. "You call me baby Sven, then ask me if I'm hungry. So, I'm hungry, can you feed me, Isabella?" Gusto kong mahimatay sa narinig ko mula sa kanya. Akala nya sya ang tinatawag kong Baby Sven. No way! And never! At namula ako nang maintindihan ko ang ibig nyang sabihin sa huli. Ano? Padededehin ko sya? It's a BIG NO WAY!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD