Chapter 5

3044 Words
Isang buwan na ang lumipas nang mangyari ang pagtatalo sa pagitan namin ni Sven. Ilang beses ko narin siyang iniiwasan pero para siyang kabute na bigla nalang sumu-sulpot sa paligid ko. Dahil sa kakulitan nya ay hinayaan ko nalang sya. Napagod narin ako sa kakataboy sa kanya. Ang unang kinagagalit ko sa kanya ay pinalayo nya sakin ang mga kaibigan kong lalaki. Hanggang tanaw nalang sakin sila Oliver, Peter at Jake. Hindi ko alam kung paano nya nauto ang tatlong yun na layuan ako, pero alam kong mabigat yun para mapasunod nya ang mga kaibigan ko. Sila Nicole, Cleo at Hanna lang ang nakakalapit sakin pati narin si Suzy. Naiirita na ko ng sobra dahil maski mga classmate ko, mapa-babae o lalaki ay iniiwasan ako. Damn him! Pangalawa ay ang kinalat nya sa buong school na pagmamay-ari nya ko, at asawa pa ang pakilala nya sakin sa lahat. Nung marinig ko yun ay napatirik nalang ang mga mata ko sa sobrang irita. Ang normal kong pag-aaral ay naging magulo. Kung kelan ga-graduate na ako ay tsaka pa nangyari sakin 'to. Wala na sanang pangatlo. "Hi Isabella!" Naka-ngiting bati sakin ni Suzy, kasama nya si Damien na tumango lang sakin, mukhang mainit ang ulo. Nginitian ko naman sila bilang sagot. "Tara, sabay sabay na tayong mag-lunch?" "Suzy, kasama ko sila Cleo. Okay lang ba?" Nag-aalangan kong tanong. Hindi kasi sila close. At ramdam ko ang awkward na atmosphere pag nagkakasama sila sa isang lugar. "It's okay. Sama kami sainyo ni Damien." Nakangiti nyang wika. Tumango lang ako at sabay-sabay na kaming lumakad papunta sa school canteen. Ako ang naunang lumapit sa mesa nila Cleo. Kumpleto sila, pati ang boys nasa mesa nila pero nang lumapit ako ay sabay-sabay silang tumayo at umalis. Ni sulyap ay hindi nila ako tinapunan. Nasaktan ako sa ginawa nila dahil ilang taon na kaming magka-kaibigan. Kapatid ang turingan naming lahat pero sa isang iglap ay parang nabasag ang nabuo naming pagmamahal at pagpapahalaga para sa isa't isa. At isang tao lang ang may kasalanan nun. Ngumiti ako ng mapait nang makita ang nag-aalalang mukha nila Cleo. Alam nila ang nararamdaman ko at wala silang magawa dahil maski sila ay hindi alam kung bakit umiiwas sakin ang tatlo. May pumatak na luha sa mga mata ko at pinunasan ko agad yun, tumingala rin ako agad para hindi magtuloy-tuloy ang luha ko. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay humarap na ko sa kanila na may ngiti sa labi. A bitter smile. "Sasabay sana kami nila Suzy at Damien kumaen, okay lang ba?" Inaasahan ko na ang mga reaction nila. Sabay-sabay silang napatingin sa isa't isa tsaka sila tumingin sakin nang may pilit na ngiti at tango. Napabuntong-hininga na lamang ako bago tinawag sila Suzy at pinaupo sa mesa. Nasa kalagitnaan na kami sa pagkain nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na kailangan lingunin pa kung sino dahil isa lang naman ang kinaiinisan ko sa lahat. Hindi ko siya pinansin at nawalan ako bigla ng gana sa pagkain. Sinandal ko ang likod ko sa upuan bago humalukipkip. Tila ang mga kasama ko sa lamesa ay nakikiramdam lang din saming dalawa ni Sven. "Baby.." Paos nyang tawag sakin na ikinairita ko. Hindi ko na kaya 'to. Ayoko nang ganito lalo na at nilalayuan ako ng mga kaibigan ko, nang mga kakilala ko. Tumayo ako nang marahas at walang isang salita na iniwan silang lahat sa mesa. Narinig ko pa ang tawag ni Suzy at nila Cleo pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinagot. Ni sulyap ay di ko rin ginawa. Nagmadali akong makalayo sa kanila. Mabilis ang takbo ko paakyat sa rooftop ng building namin. Napasalampak ako sa malamig na simento nang makarating ako dito. Nakakapagod magpanggap na okay ka kahit ang totoo ay hindi. Nakakapagod ngumiti kahit ang totoo ay gusto mo nang umiyak dahil sa nangyayari. Mahalaga at mahal ko ang mga kaibigan ko pero bakit ganun nalang nila ako itapon? Na parang wala kaming mga pinagsamahang magkakaibigan. Kung totoong kaibigan sila hindi ba dapat ay kahit anong mangyari o kahit sino pang hudas ang magsabi sa kanila na layuan ako ay hindi nila gagawin? Na dapat ay hindi nila ako magagawang talikuran? Pero bakit ganun? Bakit ganun lang kadali sa kanila ang lahat? "Isabella." That voice. Tumayo ako at nilingon syang may hilam sa luha ang aking mga mata. I hate him! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Tuwing nasa paligid ko sya, aminin ko man o hindi ay may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanya at sinampal sya ng malakas. Pumaling ang mukha nya at wala syang ginawa kundi pagdilim ng anyo nya. "I hate you!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng mga luha ko. "I hate you for ruining my life! Layuan mo na ko! Parang awa mo na! Sana hindi ka na lamg dito namalagi at nag-aral! Edi sana hindi nagugulo ang buhay ko ngayon! SANA HINDI KANA LANG BUMALIK!" Galit at may pagmamakaawa kong sabi sa kanya dahil di ko na talaga kaya. Hindi ko kayang lumayo ang mga kaibigan ko sakin dahil sa kagagawan nya. Pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko nang makita kong may dumaan na sakit sa kanyang mga mata, at ako ang dahilan non. "You're hurting me baby.. I told you you're mine. I'm yours. Try to escape from me, I swear to God, you will not like to see how dangerous I am. Try me." Banta nya bago ako iniwang umiiyak. Naramdaman ko ang isang mainit na yakap. "Ssshh.. I'm sorry Isabella kung wala akong magawa para sayo. He's obsessed with you. Hibang na hibang sayo ang kapatid ko. Puro ikaw at ikaw lang ang nakikita nya. Hindi na nya nakikita ang nasa paligid nya. Please Isabella, give him a chance. Malay mo pag binigyan mo sya ng pagkakataon ay magbago na sya. Hindi na sya magiging ganito. Try his love for you, Isabella. And I promise, pag may ginawa syang makakasakit pa sayo ako mismo ang maglalayo sa kanya mula sayo. Just.. just give him a chance. Nasasaktan din sya sa ginagawa nya sayo. Nasasaktan din sya pag hindi mo sya magawang sulyapan o pansinin man lang. Nakikita mo ba ang mga pasa nya sa mukha? Gabi-gabi nasa kung saan siya at laging napapasok sa mga gulo. Kaya nakikiusap ako Isabella, bigyan mo sya ng pagkakataon. Ikaw lang ang makakapagpabago sa kanya." Mahabang sambit sakin ni Suzy, at ramdam ko ang hirap at lungkot nya sa bawat pagsasalita. Lumipas ang isang linggo at hinayaan ko na lamang na layuan ako ng lahat. Sila Cleo nalang ang pumapansin sakin bukod kila Suzy at Damien kasama mga kaibigan nila. At isang linggo ko naring hindi nakikita si Sven. Kahit gusto kong tanungin ang mga kapatid nya kung nasaan siya ay pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong bigyan nila ng malisya ang simpleng pagtatanong ko. Ang problema ko ngayon ay itong nararamdaman ko para kay Sven. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko ay nangingibabaw ang pagka-miss ko sa binata. Hindi ko matanggap na sa kabila ng lahat ng ginawa nya sakin ay may umuusbong na damdamin ko para sa kanya. Namimiss ko na ang presensya nya sa paligid ko. Sa isang linggong wala si Sven ay naging matamlay ako sa lahat ng bagay. Parang si Sven ang sigla at lakas ko sa lahat. Nasan siya? Sabi nya, kanya ako at siya ay akin. Anong nangyari ngayon? Napag-isip isip ko rin ang mga salitang binitawan sakin ni Suzy. Bakit nga ba hindi ko bigyan ng pagkakataon si Sven? Wala namang masama siguro. Lalo na ngayon na may iba na kong nararamdaman ko para sa kanya. "Bakit matamlay ka ata ngayon bunso? Kamusta ang school?" Bungad sakin ni Kuya Mon pagpasok ko pa lang ng bakuran namin. Kasama na naman nya si Kent na mariing nakatitig sakin. Ngumiti lang ako ng maliit bilang sagot at nilagpasan na sila. Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa buong nagdaan na isang linggo, o dahil namimiss ko na si Sven? Napailing na lamang ako at hinubad ko na ang uniform ko para makapag-palit ng pambahay. Sven Axl Montemayor sent you a friend request Confirm or Delete? May kung anong nagrambulan sa dibdib ko nang makita ang gwapong mukha ng badboy na si Sven. He's really a drop dead gorgeous, na kahit sinong babae ay maglalaway sa kanya. Bakit ba sa ganitong paraan lang ay napapakaba mo na ang dibdib ko, Sven? What did you do to me? Para na kong mababaliw sa kakaisip sayo. Sa isang linggong hindi kita nakikita ay para akong nasasakal at unti-unting nauupos, lalo na't wala akong alam kung ano nangyayari sayo. Nag-confirm pa ko ng ilang friend request bukod kay Sven. Pagkatapos ay nahiga na ako para matulog. Ipinikit ko ang aking mga mata pero ilang minuto lang ay napadilat ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko. Unknown Number Calling .. Sinagot ko pero mabibigat lang na paghinga ang naririnig ko mula sa kabilang linya. "H-hello? Who's this p-please?" Nanginginig kong tanong dahil binalot na ng kaba ang dibdib ko sa kadahilanang, ramdam ko na siya ang nasa kabilang linya. Mag-iisang minuto bago ko narinig ang paos at malamig nyang boses na nagpatibok ng mabilis sa puso ko. "I miss you baby.." Sabay end nya ng tawag.. Natulala ako sa cellphone ko pero unti-unting sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi. "I miss you too, Sven." Nag-log in ulit ako sa f*******: account ko at naisipang i-stalk ang profile ni Sven. Ang daming naka-tag na puro picture nya sa kanya na halatang puro stolen shots. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang isang grupo silang nasa litrato. Including Jan, Richmond, Haxlee and Damien are in the picture. Kumirot ang puso ko nang mapagmasdan si Sven na may katabing babae, nakahawak ang kamay nya sa bewang ng babae at mukhang masaya silang nagkukwentuhan. Their shot is obviously a stolen, dahil kahit isa sa kanila ay hindi nakatingin sa camera at masaya lang na nagkukwentuhan. Halatang sa mamahaling bar ito naganap and I check the date, mas kumirot ang dibdib ko nang makita ang date kung kelan iyon naganap. Kagabi lang. Yes, I admit na may iba na kong nararamdaman para kay Sven pero sobra naman na pati pagseselos ay mararamdaman ko. God! I hate myself! Kulang ako sa tulog nang pumasok ako sa school kinabukasan. At halatang-halata ang eyebags ko. Mukha akong zombie. Nakakaasar! "Girl, anyare sayo?" Natatawang tanong ni Cleo habang pinagmamasdan ako pati sila Hanna ay natatawa. Ganun na ba ako kapangit dahil sa eyebags ko at tinatawanan nila ako? "Nag-advance study lang ako last night. So.." Sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanila. Narinig ko na naman ang tawanan nila pero di ko nalang pinansin. Kung alam nyo lang na di ako nakatulog dahil sa pagseselos baka di lang tawa ang makuha ko sainyo.. Nandito kami sa field. Manunuod kami ng laro nila Kuya Mon sa soccer. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko na sya na may kakwentuhang babae. At napangisi ako nang makilala ang kausap nya, si Suzy. Mukhang nawala na ang hiya nya sa katawan huh? Nagtatawanan silang dalawa at aaminin kong bagay sila. "Huy Bella! Si Kuya mo ba at Suzy na?" Narinig kong tanong ni Nicole pero di ko sya nilingon. Alam kong may gusto sya sa Kuya ko at hindi sa ayaw ko sa kanya para sa kapatid ko, mas suportado ko lang talaga si Kuya sa kung sino ang gusto nya. At si Suzy nga ang gusto nya. Nagkibit balikat ako at umiling bago sumagot sa kanya. "Hindi ko lang alam Nicole." Totoong hindi ko alam dahil parehas naman silang hindi nagkukwento sakin. Hindi ko nakita ang reaction ni Nicole sa sagot ko dahil di ko sya sinulyapan, pero narinig ko ang sinabi nya na hindi ko na sinagot. "Sana hindi sila. I like Mon. I really really like him." Natapos ang laro at nanalo sila Kuya Mon. Sabay-sabay kaming tumayo nila Cleo para salubungin sila. Nakita ko pa kung paano niyakap ni Suzy si Kuya at punasan ang tagaktak na pawis mula sa paglalaro kanina. Napakagat labi ako bago sumulyap kay Nicole na nakatulala sa dalawa. I can see her pain, it's written in her face. Nag-iwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi ko nakita ang reaction nya. Sila Cleo at Hanna mukhang walang alam dahil naririnig ko ang hagikgikan nila sa likod ko at pinag-uusapan ang mga crush nila na ka-miyembro ni Kuya sa soccer. "They made it Isabella!" Masayang wika ni Suzy sakin nang makalapit kami sa pwesto nila. Ngumiti ako sa kanila at nag-congrats. Natanaw ko pa ang kamay ni Kuya na nasa beywang ni Suzy. Natutuwa ako para sa kanilang dalawa pero nasasaktan ako para kay Nicole. Nang tingnan ko sya ay tahimik lang sya at nakaiwas ng tingin sa dalawa. "Bunso wala ba kong hug at kiss dyan?" Malambing na sabi sakin ni Kuya na ikanatawa ng malakas ni Suzy. "Para kang si Damien, love! Sweet din sakin yun!" Love? Oh my gad! Sila na? Ang bilis naman! "K-kayo n-na?" Tatanungin ko palang sana sila pero naunahan na ako ni Nicole sa nanginginig na boses. She will breakdown any moment kaya hinawakan ko ang braso nya, lumapit narin si Cleo at Hanna. Habang si Kuya ay naguguluhan sa reaction ni Nicole at si Suzy ay mukhang alam na ang nangyayari kay Nicole, babae rin sya, remember? "Nicole let's go!" Yaya ni Cleo pero hindi nagpatinag si Nicole. Pagkamuhi na ang nakikita ko sa mga mata nya habang nakatitig kay Suzy na wala namang reaction. Bakit? May nangyayari ba sa pagitan nila nang hindi ko alam? "You b***h!" Nabitawan namin sya sa pagkabigla, susugurin sana nya si Suzy nang humarang sa daraanan nya sa Kuya Mon para protektahan si Suzy mula kay Nicole na natigilan sa ginawa ni Kuya. "Isabella, ilayo mo ang kaibigan mo dito." Nagtitimping utos sakin ni Kuya Mon, ngayon ko lang sya nakitang madilim ang mukha. Nakita ko pa na hinawakan ni Suzy ang braso ni Kuya para pakalmahin. Sabay-sabay namin hinila si Nicole palayo kila Kuya. Huminto kami sa ilalim ng isang puno para pakalmahin si Nicole dahil hindi na maawat ang mga luha nya. Wala akong naiintindihan sa nangyayari sa pagitan nilang tatlo pero mas mabuting hindi na ako makisali sa kanila. May sarili akong problema na hindi ko pa naso-solusyunan. Love sucks! Pagkahiga ko sa kama ko ay inopen ko ang cellphone ko. Tatlong message agad ang pumasok. Nicole: Let's go out? My treat. Cleo: Isabella daanan ka namin sainyo. May sasakyan kaming dala. Suzy; Hi Isabella! I'm sorry kanina. Di ko rin sinabi agad sayo ang tungkol samin ng Kuya mo. Promise, magkukwento ako next time. :) Wala akong load kaya kahit isa sa kanila ay di ko nireplyan. Nag-ayos nalang ako ng sarili ko at nagpaalam kila Nanay na lalabas kami nila Cleo buti pumayag naman. At hindi naman umangal si Kuya, busy sa cellphone. It must be Suzy. Pangiti-ngiti pa sa kawalan ang bruho. Nang makalabas ako at saktong pumarada ang isang van. Nakita ko agad si Nicole na mugto ang mga mata. Ngumiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya. Pagpasok ko ay tumalak agad si Cleo dahil sa suot ko. Mukha daw akong manang. Wtf! Sungalngalin ko kaya mukha neto no? Hindi ko nalang sya pinansin at umupo nalang ng maayos. Gusto kong umatras nang makita kong sa isang mamahaling bar kami huminto. Lumabas na silang tatlo habang ako ay hindi malaman ang gagawin. "Bella come on! Ngayon lang 'to. Pagbigyan na natin si Nicole." Ani Hanna. "Hindi tayo magtatagal dito promise." Pamimilit din ni Cleo at Nicole. Napabuntong-hininga ako bago bumaba ng sasakyan. Naupo ako sa isang sulok ng bar. Hindi ako sanay sa ganitong lugar at first time kong nakapasok dito. Nilapagan ako ng isang alak nila Cleo, nung una ay ayoko pero anong laban ko sa kanilang tatlo diba? Wala naman din sigurong masama kung paminsan-minsan ay uminum ako. Ihahanda ko nalang ang sarili ko sa sermon nila Nanay pag umuwi akong gumagapang dahil sa kalasingan. Nakakarami na kami ng inom nang mag-aya sila Cleo sa dance floor. Wala akong nagawa nang hilahin nila ako sa gitna ng sayawan. Gitgitan sa dance floor at may mga nakakabanggaan ako pero tuloy lang ang lahat sa pagsasayaw. Tumatawa ako ng bitawan ako ni Cleo at pagharap ko ay isang lalaki ang nasa harapan ko. Malabo na ang paningin ko dahil sa kalasingan sama mo pa na madilim ang dance floor at ang tanging liwanag ay nagmumula sa malikot na ilaw na kung saan saan tumatama. Hindi ko tuloy sya mamukhaan pero itinuloy ko parin ang pagsasayaw. Nilapit ng lalaki ang katawan nya sakin at hinawakan ang bewang ko para mas mapalapit pa ko sa kanya, nagulat ako at nagpumiglas sa hawak nya. "Wag ka nang mag-inarte. Sumama ka sakin at paliligayahin kita." Nanindig ang balahibo ko sa sinabi ng estrangherong lalaki. Pinilit kong makawala sa kanya pero hindi ko magawa. May dinukot syang panyo sa bulsa nya at nanlaki ang mata ko nang ilapit nya iyon sakin. Bago magawa ng lalaki ang binabalak ay tumilapon na ito sa gitna ng dance floor, napatili ako sa takot. Sabay-sabay huminto ang mga nagsasayaw pati ang tugtog na malakas ay nawala at biglang lumiwanag ang paligid. Shock ang lahat sa nakita nila. Bago ko pa malingon ang sumuntok sa lalaki ay naramdaman ko na ang malaki nyang braso na yumakap sa bewang ko. Nanuot agad sa ilong ko ang pabango nyang nakakahalina. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang mainit nyang hininga sa tenga ko. "Baby, I really don't like someone who dare to touch my property. What's mine, is only mine. I will gave you a punishment for let him touch you, little brat!" Malamig nyang bulong sakin. Imbis na matakot tulad noon, ay natuwa pa ko. Humarap ako sa kanya at ngumisi. Tila nabigla sya sa ginawa ko pero mariing nakatitig sakin. Wala na kong pakialam sa mga taong nasa paligid namin at pinapanuod kami. Ang nakikita ko nalang ngayon ay ang lalaking kinakainisan ko pero gusto ko. "Then, punish me Sven. I will accept any punishment from you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD