Pagkatapos kumain ay umalis na kami ni Tisoy para mangisda. Maliit na bangka ang gamit namin. Mukhang kalmado naman ang dagat. Takot ako dati sa dagat. Ito kasi ang naghiwalay sa amin ng... kuya ko. But I learned to let go of my fears and moved on. Dad told me na walang mangyayari sa akin kung paiiralin ko ang takot. He also said that if I wanted to be a lawyer, dapat matapang ako. Way siguro niya iyon para matulungan ako. And I helped myself, too, with the trauma the unfortunate incident caused me. Naawa rin ako kay Dad. Paano pa siya tatayo nang maayos kung pareho kami ni Mommy ng kalagayan? Kaya mas pinili kong maging matapang para sa kanila. I loved them so much as much as I loved my brother. And I blamed myself for what happened to him that day. "Ayos ka lang ba?" I turned to Tiso