Chapter Four

1450 Words
Kaming mga babae na lang at si Ryder ang nakabalik sa mansiyon. Russel was busy at mukhang seryoso na manalo sa pustahan nila, although I still wasn't sure kung gano'n nga ba or what. Hindi na rin talaga nakabalik pa si Jake. I was already planning to extend my stay here. Ganoon din si Alecx. Kaya kinausap ko si Tita Elsa nang hindi na siya busy. "Tita, I'm planning to extend. Puwede na po kaming sa hotel—" Umiling siya. "No need, hija. I told you you're welcome here kahit gaano katagal. Mas gusto ko nga iyon." She smiled. Napangiti na lang din ako. Naiintindihan ko rin na natutuwa siya ngayong may nakakasama rito sa malaking mansiyon bukod sa maids at bodyguards. "Thank you, Tita." She just smiled and we talked about our days here in the island so far. I told her I was enjoying and we were really having fun. Natuwa naman siya sa narinig. Kinabukasan ay maagang umalis sina Alecx at Ryder para mag-horseback riding. Mukhang pareho namang pagod sina Myrrh at Kaz sa mga activity nila the past days at hanggang ngayon ay natutulog pa sa kuwarto. Baka rin magpapahinga lang talaga sila ngayong araw, lalo at wala naman sina Russel. Habang ako, naisip kong bumaba uli sa beach. Nagpaalam ako kay Tita Elsa at ipinahatid naman niya ako sa driver. Nang nasa sasakyan na ako ay nasa labas lang ang tingin ko, tinitingnan kung makikita ko ba sina Alecx na nangangabayo sa may grassland. Pero hindi ko naman sila nakita sa malawak na lupain. Private na ang bahaging ito. Sa ibaba malapit sa beach lang talaga ang binuksan ni Tita Elsa sa publiko. Dumeretso ako sa restaurant nang makarating sa resort at um-order ng inumin. It was nine in the morning. Nakapag-breakfast na ako kanina sa mansiyon kasabay si Tita Elsa bago umalis. Tiningnan ko kung makikita ko ba si Russel dahil nagpaiwan siya dito kahapon at sa hotel yata o sa villa natulog. I was not sure. Inilapag ng isang waitress ang in-order kong iced tea sa mesa sa harap ko. I looked up and saw a familiar face. Isa siya sa mga unang nag-welcome sa amin ni Alecx noong dumating kami rito. "Hi," I said as I recognized her. Ngumiti naman siya sa akin. She looked years younger than me. She was cute. "Isa po kayo sa mga espesyal na bisita ni Madam," she said, mukhang naalala rin ako. I smiled and nodded. "Nice seeing you again, Sha," basa ko sa nameplate niya. Siya rin siguro iyong nabanggit ni Tisoy na Sha. Muli siyang ngumiti at magalang na nagpaalam, babalik pa raw sa trabaho. I just nodded and started sipping on my drink. Pagkatapos ay naglakad-lakad na ako sa beach. Dahil maaga pa at mukhang napuyat ang mga guest kagabi sa party ay wala pa masyadong tao roon. Malapit ako sa tubig. The seawater was even touching may feet kapag humahampas sa baybayin. Hinawakan ko ang summer hat ko para hindi liparin ng hangin. Nakatawag na rin ako kay Dad at nagpaalam na magtatagal pa rito sa isla. He said it was fine at mukhang natuwa rin siya that I was enjoying here. He just told me to take care and call him when I need anything. It was just a short call dahil may trabaho pa siya. Dati na talaga silang busy ni Mommy. Agad akong napangiti nang makita si Tisoy. "Tisoy! Where are you going?" tanong ko dahil mukhang aalis siya at papunta sa naghihintay na isang bangka. "Uuwi po muna ako, Ma'am. Tapos na ang trabaho." "Oh." I nodded. Nakatingin pa rin kami sa isa't isa. Tinawag na siya ng isang lalaki sa naghihintay na bangka na mukhang sasakyan niya pauwi sa kanila. "P-puwede ba akong sumama sa inyo?" basta ko na lang nasabi. I bit my lower lip. Maybe I was bored because I was also alone right now. Hindi naman agad nakasagot si Tisoy. Dinagdagan ko na lang ang sinabi. "Okay lang din naman kung hindi puwede... Sige, tawag ka na nila," I told him, pertaining to some men who were already on the boat. "Gusto mong sumama?" he asked carefully. "Babalik din naman ako rito mamayang gabi." Lumuwang ang ngiti ko at agad na tumango. I was automatically excited! I think komportable lang din talaga ako sa kanya. Napangiti na rin si Tisoy at naglahad ng kamay para maalalayan ako pasakay sa bangka. I took his hand. I think that was the first time our hands touched. I could only bite my lower lip secretly. Mababait din naman iyong mga nakasama namin sa bangka. It was a more or less twenty minutes boat ride. Pagdaong namin ay puro bangkang pangisda ang nakikita ko sa dalampasigan. Inalalayan akong muli ni Tisoy pababa ng bangka. "Ang ganda rin pala dito," sabi ko habang tumitingin sa paligid. Malinis ang tubig at mukhang inaalagaan ng mga tao ang paligid. There were coconut trees, at may natatanaw rin akong mga simpleng bahay. "Puwede rin kitang ipasyal dito, Ma'am. Maganda rin naman dito." Tisoy smiled at me. Ngumiti ako. "Wow! That's nice, but..." Naisip kong dapat nagpapahinga pala siya ngayon kung wala siyang trabaho. Bakit pa kasi ako sumama? Tuloy, parang responsibilidad pa niya ako sa lugar nila. "You should be resting," I said, feeling the guilt. Umiling siya, may ngiti pa rin. "Okay lang. Hindi naman ako pagod. At mangingisda pa nga dapat ako ngayon." "Oh!" Parang bigla akong na-excite. "Then puwedeng sumama na lang din ako sa 'yong mangisda?" He smiled more and nodded. Lalo rin akong napangiti. "Punta muna tayo sa bahay namin, magpapaalam lang ako kina Nanay at magpapalit na rin muna." I nodded and went with him. Habang papunta kami sa kanila ay nasabi niya sa akin ang sched niya sa resort. Kahapon pa pala siya walang pasok pero dahil medyo malalaki raw ang alon kagabi kaya ipinagpabukas na lang niya ang uwi. "'Nay, si Ma'am Andrea po, bisita sa villa," Tisoy introduced me to his mom when we arrived at their small home. I smiled politely at his mother. "Good morning po. Kaibigan po ako ni Tisoy," pakilala ko rin sa sarili. Tisoy's mom kindly smiled at me. "Aba, ang ganda naman nitong kasama mong kaibigan, anak," baling niya kay Tisoy at ngumiti uli sa akin. Tisoy was smiling at his mother, too. "Sasama raw po siya sa 'king mangisda, 'Nay. Si Tatay po?" "Ganoon ba? Wala pa ang tatay mo at kasama sina Dodong, naghatid ng mga huling isda sa palengke. Nakapangisda na rin kasi sila kanina. At mataas na ang araw, anak. Mangingitim itong si Ma'am," baling niya sa akin. "Okay lang po." I didn't really mind kung mangitim ako. Tingin ko, okay rin iyon para sa maputla kong balat. May dala rin naman akong sunblock. "Siya, aalis na ba kayo agad? Mananghalian muna kayo, Tisoy," tawag niya sa anak na nagpaalam na papasok muna sa pinakaloob ng bahay nila. Magbibihis na yata. Habang naiwan naman muna ako sa parang sala ng bahay. Maliit lang ang bahay nina Tisoy pero malinis naman at maayos. Ngumiti sa akin ang nanay ni Tisoy nang balingan ako. "Pasensiya ka na sa bahay namin, hija, at maliit lang." Agad akong umiling. "Okay lang naman po. And you actually have a nice home po." She smiled, showing her wrinkles. "Sige, maghahain ako. Kumain muna kayo bago umalis. Si Tisoy talaga. Ang batang 'yan, parang hilig na lang din ang pangingisda dahil hindi naman na talaga kailangan at nakakapangisda pa naman ang tatay niya. May trabaho rin naman siya doon sa isla ng mga Martinez." "Salamat po," sabi kong medyo nahihiya habang ipinaghahain niya ako. She just smiled at me. Lumabas na si Tisoy ng kuwarto niya siguro. He changed into a fresh simple shirt and shorts that reached his knee. He was really good-looking even in simple clothing. Naupo na rin siya sa tapat ko. "Kumakain ka ba nito?" he asked. I looked down at our food. Pritong isda iyon. "Oo naman." Kinuha niya ang kanin at nilagyan ang plato ko. "Hala, ako na. Nakakahiya," I said. Ipinagpatuloy lang niya ang paglalagay ng pagkain sa plato ko. And then we started eating together. I asked few questions about his family. Bukod daw sa nanay at tatay niya ay may nakababatang kapatid pa siyang babae na kasalukuyang nasa school. I also asked him kung nag-aaral pa rin ba siya. And he said yes. "Nga lang, pahinto-hinto," he said. He needed to work and study at the same time. And he wanted to be a lawyer! He was hard-working and he had dreams for himself and his family. I was looking at him habang nagkukuwento siya. And I admired him more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD