"Babalik na tayo sa mansiyon?" tanong ko kay Alecx nang makalapit na sa kanila.
She nodded. "Oo, lasing na lasing na kasi si Rye." Pareho kaming bahagyang napangiwi nang magsuka si Ryder sa buhangin. Inalalayan siya nina Russel at Jake para makauwi na kami.
Nakatulog na rin si Ryder sa biyahe pa lang. Nang makarating sa mansiyon ay nag-good night na lang kami sa isa't isa at nagpaalam nang matutulog. Tulog na rin si Tita Elsa na maaga talagang natutulog.
Nahiga na ako sa kama matapos makapagbihis ng komportableng pantulog. I closed my eyes and couldn't help the smile on my lips when I remembered the short conversation I had with Tisoy earlier. Nagagandahan din pala siya sa akin.
Nakatulugan ko ang pag-iisip n'on.
"Do you plan to murder your food, Andrea?" Napatingin ako kay Alecx. She was looking at my plate.
Bumaba ang tingin ko doon at nakitang tinutusok-tusok ko na nga lang ang pagkain. I let go of my utensils at napainom na lang ng tubig.
"Ayaw mo sa in-order natin?" she asked.
Umiling ako at muling tumingin kung nasaan sina Tisoy at ang babaeng kanina pa niya kausap at kangitian. Maybe I was wrong when I said to myself that he was innocent. Siguro gaya lang din siya ng ibang lalaki.
Sinundan ni Alecx ang line of vision ko. Nang ibalik niya sa akin ang tingin ay nagkatinginan kami. I looked away. "Oh..." sabi niya. "Kaya pala nakabusangot ka diyan." Ipinatong niya ang mga siko sa mesa at lumapit pa sa akin. "Sabihin mo nga sa 'kin, crush mo ba si Tisoy?" She grinned. Nanlaki ang mga mata ko at halos takpan ko ang bibig niya. I wanted to stuff her mouth with anything para matahimik siya. "Baka may makarinig!" mahina kong saway. She laughed. Medyo napalakas kaya napatingin sa amin ang ilang tao sa restaurant pati na sina Tisoy. Nagyuko ako ng ulo.
Kami lang ni Alecx ang magkasama ngayon dahil bigla siyang nagutom kaya sinamahan ko. Busy naman sa activities na ino-offer ng island ang mga kasama namin.
Mahilig talagang kumain si Alecx. Hindi naman tumataba. While I had to look after what I eat. Ang bilis ko pa man ding tumaba. Ayaw ko nang tumaba uli gaya noong bata pa ako. Hindi naman ako na-bully noon pero ayaw ko lang talaga. Mas madaling makahanap ng susuotin kapag fit ka.
Muli akong nag-angat ng tingin kina Tisoy. Kausap pa rin niya iyong babaeng kasamahan niya sa trabaho based on what they were both wearing.
Magtrabaho na lang kasi sila! Hindi iyong puro sila kuwentuhan diyan.
"Aw."
Nabalik ang atensiyon ko kay Alecx. She looked amused. Sinimangutan ko siya. Muli na naman siyang tumawa pero hindi na kasinlakas kanina.
"Ngayon lang kita nakitang ganito, Andrea. Looks like you already have a big crush on that guy. This is new! This is a first! I mean, may crush ka na!" Mukha talaga siyang natutuwa. I sighed. "Sa ating dalawa, ako ang maraming crush. Ewan ko lang sa 'yo noon. Bukod sa hindi ka naman nagsasabi, nakikita ko rin na wala kang interes. This is really new."
"Oo na. Are you done?" tanong ko, ang tinutukoy ay kung tapos na ba siyang kumain.
She beamed. "Crush mo nga talaga?" She looked like an excited kid.
Kumunot lang ang noo ko at hindi sumagot. She nodded and concluded. "Obvious naman." Hindi pa rin ako nagsalita.
Tumawa lang uli si Alecx and then she sighed contentedly while looking at me. "Tara na nga. Bad trip mo." Tumayo na siya at hinawakan din ang braso ko. She linked our arms as we made our way out of the restaurant.
Alecx and I did snorkeling and banana boating. It was fun! Tawa kami nang tawa, lalo kapag nahuhulog sa tubig. Pansamantala ko tuloy nakalimutan ang tungkol kay Tisoy. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko nang lapitan ako ni Russel. May dala siyang drinks para sa amin ni Alecx. Naupo siya sa buhanginan sa tabi ko.
Pinanood lang namin ang mga kaibigan namin na ayaw pa rin halos umalis sa tubig. Palubog na ang araw at ang ganda talaga ng tanawin.
"Did you have fun?" he asked.
I nodded with a smile. "Yes, thank you sa inyo ng friends mo, Russ," I told him.
Ngumiti siya. "Welcome—" Umiling siya. "Don't mention it. Enjoy din kayong kasama ni Alecx."
Ngumiti lang ako.
Nakita kong papalapit sa direksiyon namin si Kaz, ang isa sa dalawang kaibigang babae nina Russel. She smiled. "What are you two doing here?"
Russel just shrugged. Naupo si Kaz sa tabi namin. Hinintay na lang namin na makaahon na rin iyong iba bago kami tuluyang nag-decide na mag-dinner. Seafood uli. Hindi na yata ako magsasawa sa seafoods nila rito. It was really delicious at gustong-gusto rin ng mga kasama ko.
We got a nice table in the seafood restaurant. Malapit iyon sa malaking bintana na tanaw pa rin ang dagat at ang papalubog na araw. Nag-usap-usap kami habang naghihintay na lang sa in-order.
Napatingin ako kay Alecx. She was busy making a conversation with the quiet Ryder. If I had a crush on Tisoy, then obviously ay may gusto naman siya kay Ryder. Alam ko ang mga kilos niyang ganyan.
Our food was finally served. Sina Tisoy ang nagdala ng mga pagkain sa mesa namin. Nagkatinginan kami ni Alecx. Nangingiti siya. I gave her a warning look.
The next day, naging busy si Russel dahil may bet yata sila. I didn't know. Narinig ko lang din kina Myrrh. Si Myrrh ang isa pang kaibigang babae nina Russel.
While Jake left the island at hindi na kami binalikan, mukhang may hinahanap.
Both Myrrh and Kaz laughed. Mula kasi sa kung nasaan kami ay nakikita namin si Russel na mukhang pinopormahan iyong isang babaeng staff ng resort base sa kilos niya.
Sinaway na siya ni Tita Elsa, 'di ba? Dahil ang dami na pala niyang naging affair dito sa isla, lalo sa magagandang staff ng resort.
It was also the same girl I saw Tisoy talking to. At nakita ko nga si Tisoy na lumapit sa dalawa. Halos mapatayo ako. Hinawakan ni Tisoy iyong babae sa kamay at hinila palayo. Wait, was she his girlfriend? May girlfriend pala siya, probably! "Mukhang matatalo na siya nina Jake," Myrrh said with a laugh.
Kaming tatlo lang ang naroon under a huge umbrella. Sina Alecx at Ryder ay magkasamang kumuha ng drinks sa resto para sa amin.
"That girl is acting hard to get." Si Kaz naman.
"CR lang ako," paalam ko sa kanila at tumayo na.
Sakto namang nakasalubong ko si Tisoy. Agad ko siyang iniwasan at nilampasan. Pero mukhang sinundan niya ako.
"Ma'am—"
Hinarap ko siya. "You shouldn't tell someone she's beautiful kung may girlfriend ka naman," deretso kong sabi. I didn't know where it came from.
And he looked taken aback. "Po?" Halatang parang nalito rin siya. "Girlfriend? Sino po? Wala po akong girlfriend, Ma'am."
And I would admit, parang may nawalang bigat sa dibdib ko na ilang araw ko ring dala. "'Yong babaeng palagi mong kasama," I still said.
"Sino? Si Jewel po ba o si Sha?" tanong naman niya.
Two girls? Ang dami naman! Halos mapasimangot ako. "I don't know them."
"Sila lang kasi ang palagi kong kasama. Pero hindi ko naman sila girlfriend. Wala pa po ako n'on. At parang nakababatang kapatid ko lang 'yong dalawa."
I didn't know if I should believe what he said but I did believe him. Mukhang sincere naman siya sa sinabi at wala naman sigurong dahilan para hindi siya magsabi ng totoo.
"Okay..." I said, kalmado na. He gave me a gentle smile.
I smiled at him, too.