Mabilis akong tumakbo paalis ng restaurant dahil doon. "Andrea!" tawag sa akin ni Alecx. "Hey, Andrea Lia!" habol niya. "Are you okay?" Nahawakan na niya ako at pinaharap sa kanya.
Tumango ako kahit alam kong kita sa mukha ko na hindi.
I was... I didn't know. Annoyed?
Nakakainis!
"You're not okay," she concluded. "I saw what happened. He just helped you..." Nakatingin siya sa akin. And then she sighed. "'Lika na nga! Balik na tayo sa kanila."
We just enjoyed the water by swimming all day on our first day at the resort. Marami pa namang araw para sa ibang activities.
Kinagabihan ay nagpunta kami sa floating bar kung saan may party. We walked through the boardwalk to go there. Nagpaalam kami kay Tita Elsa kanina. Nagtanong pa siya kung nakapag-dinner na kami and we told her na nakakain na kami sa seafood restaurant. Mabuti nga at wala akong allergy sa seafood kaya na-enjoy ko iyon. Ang sasarap pa naman. Lalo iyong scallops.
They were enjoying the party at ganoon din naman ako. Pero napagod yata ako kaka-swimming kaya naupo na lang ako sa isang tabi mayamaya. O siguro bago pa talaga ito sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig mag-party.
I was holding a cocktail at unti-unting sumisimsim niyon. Ngumiti ako kay Russel nang makita siyang lumalapit sa akin. Nakangiti rin siya. Naupo siya sa tabi ko. We talked for a while about our activities earlier that I really enjoyed until he started asking questions.
"Alecx told me that you never had a boyfriend. Why?" Umiling siya. "I mean, you're beautiful, Andrea." He smiled. "Strict ba sina Tito Chris?"
Umiling din ako. "Not really. Busy kasi akong mag-aral."
"Oh, Alecx also told me that. You're a topnotcher. Wow! Congrats!"
Si Alecx talaga. I smiled. "Thank you."
"So... You already passed the Bar. What's next? Plans?" Ngumiti siyang muli sa akin. "Enter a relationship?"
"Work muna siguro. Hindi ko pa rin naiisip ang pakikipagrelasyon. Gusto kong mag-focus at may mapatunayan. Magagaling na lawyers ang parents ko."
He nodded. "Well, yes, both Tito Chris and Tita Analia are great!"
Napangiti ako nang maalala sina Mommy at Daddy. I missed them already. "Paano mo nga pala nakilala sina Mom at Dad?"
Sinabi ni Russel na dahil din pala kay Tita Elsa kaya niya nakilala ang parents ko. And then we talked some more after that.
Nang lumakas pa ang music ay niyaya ako ni Russel na pumunta sa gitna kung saan naroon din ang mga kaibigan namin. Pero umiling ako at nag-sorry. He said it was okay at hindi rin naman niya ako pinilit.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. May naglapag ng tubig sa harap ko mayamaya. Nag-angat ako ng tingin at nakitang si Tisoy iyon.
"Baka gusto n'yo po ng tubig, Ma'am," he said with an unsure smile.
Did I intimidate him? Ang sabi sa akin ni Alecx ay nakaka-intimidate daw ako minsan, lalo kapag tahimik. Kaya naman I tried to smile at him, too.
Lalo naman siyang napangiti kahit naroon pa rin ang hiya. "Thank you... Tisoy," I said and got the glass of water.
"Welcome, Ma'am," he said, still smiling.
He's cute.
"Ayaw mo ba sa maingay, Ma'am? May alam po akong tahimik, uh, kung gusto n'yo lang naman..." Parang nahiya siya.
And then I found myself nodding. "Hindi ka ba hahanapin sa work mo?"
Umiling siya. "Tapos na ang trabaho ko."
Dinala ako ni Tisoy sa mas tahimik na lugar. Napalayo kami sa maingay na bar at naglakad-lakad sa buhanginan sa tabi ng tahimik na ring dagat. Hindi malakas ang hampas ng alon sa baybayin.
Tahimik lang kaming naglalakad. Nakatingin lang ako sa dinaraanan namin. Lumipas pa ang ilang sandali bago nagsalita si Tisoy sa tabi ko. May kaunting distansiya sa pagitan namin.
"Galit ka ba sa 'kin, Ma'am?"
Agad akong napatingin sa kanya. Halos nakanguso siya. Hindi ko napigilang mapangiti. Para pala talaga siyang bata. He was really cute like this. But he was a grown-up man.
Kita naman sa katawan niya. His muscles were in the right places. And his face...
Damn, gorgeous!
Hindi ako mabilis ma-attract o maguwapuhan sa isang lalaki. Although I could say that Russel, his cousin, and their friend, Jake, were handsome. Pero hindi ganito tulad ng tingin ko kay Tisoy.
I sighed. Umiling din. "Sorry about how I acted earlier at the resto... I know... Gusto mo lang namang tumulong... Nabigla lang talaga ako," I told him, guilty.
Ngayong nakakasama ko si Tisoy nang matagal, nakikita kong mabuti siyang tao. He was harmless. He even looked like a lost child to me sa kabila ng muscles niya. Nag-e-exercise ba siya? O gawa ng trabaho niya sa resort? He really had a nice body kahit natatakpan pa ng damit, I must admit.
Ngumiti na siya. Pati ang mga mata niya, ngumiti.
His eyes... God, they were beautiful. Ang inosente niyang tingnan...
Parang... may nakikita ako sa mga mata niya. Hindi ko lang talaga matukoy nang husto. Ngumiti na lang din ako.
"Ayos lang po 'yon, Ma'am. Naiintindihan ko naman." Tumango ako.
"Thank you, Tisoy..."
"Akala ko talaga, galit o nagalit ka sa 'kin," he said.
Maagap akong umiling. "Hindi naman..." May naalala ako na sinabi ni Alecx kanina. "Bakit... Bakit mo nga pala kasi ako tinitingnan?" may pag-aalangang tanong ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Tisoy at umawang ang mga labi. Naghintay ako sa isasagot niya. Pero yumuko lang siya.
Agad akong nag-alala at gusto nang bawiin sana ang tanong ko. Baka hindi naman kasi talaga? Baka mali lang si Alecx. Baka ako lang iyong tumitingin sa kanya kaya tumitingin na lang din siya pabalik sa akin.
"Uh... Pasensiya na po kayo, Ma'am. Hindi ko naman sinasadyang magtagal ang tingin sa inyo..." Napadila si Tisoy sa mga labi, sa tingin ko ay parang nanuyo ang mga iyon. "Na... nagagandahan lang po kasi ako sa 'yo, Ma'am..."
Ako naman ang umawang ang mga labi. Hindi iyon ang first time na may nagsabi sa akin na maganda ako. But coming from him? Sobrang guwapo niya para maging ganito na mukhang nahihiya dahil napaamin sa crush niya.
"T-thank you..." I didn't know what to say.
We were interrupted when my phone rang. Si Alecx iyon at mukhang hinahanap na nila ako. Hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanila.
Uuwi na ba kami? Medyo late na rin naman.
Hindi ko agad sinagot ang tawag. Nag-angat muna ako ng tingin kay Tisoy para makapagpaalam. "I have to go... Thank you for the walk, Tisoy," I said.
He nodded and offered to walk me back to my friends. Pero umiling ako. Nakikita ko na rin naman sa malayo sina Alecx.
Muli akong nagpaalam kay Tisoy at nauna nang maglakad pabalik sa mga kaibigan ko.