Chapter One: Allison - The Proposal

1261 Words
Nakatayo ako sa likod ng pinto habang pinapakinggan ang walang katapusang tawanan ng aking tiyahin at pinsan habang kausap ang butler mula sa angkan ng mga Monteverde. Ngayon ang araw na itinakda upang pag-usapan ang pag-iisang dibdib ng Monteverde at Santander. "Lubos naming ikinagagalak na napili niyo ang aking anak upang maging kabiyak ng Don." Napakunot noo ako nang marinig ang sinabi ni Tita. Nakakapagtakang pumayag siyang maikasal si Priscila sa matandang Monteverde. "We are honored that you've accepted the Monteverde's invitation, Madam." Mula sa silid ay dinig na dinig ko ang baritong boses ng butler, "Is this Miss Allison?" dugtong nito. Pinanlakihan ako ng mata sa narinig saka naitakip ang kamay sa bibig. Kaya pala parang wala lang kay Priscila ang kasalang ito dahil ako pala ang binabalak nilang ipamigay. Dali-dali kong nilibot ng tingin ang buong silid. "Kaya pala pinahiram sa akin ni Priscila ang kwarto niya ng isang gabi at doon siya natulog sa kwarto ni Tita. Ayaw nilang makita ng mga Monteverde ang tunay kong katayuan." Napaatras ako nang bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko ang aking tiyahin at ang butler ng mga Monteverde. Bahagya itong yumuko bilang paggalang habang ako naman ay tila ba tuod na nakatayo sa harap nito. "Teka, hindi po ako pumapayag na maikasal," saad ko. Kunot ang noo na napatingin ang butler sa aking tiyahin saka siya napangiting aso. "Ah, saglit lang at mag-uusap muna kami ng anak ko," nakangiti niyang turan. Agad naman na umatras ang lalaki saka pumasok si Tita at ang pinsan ko. Isinara nila ang pinto at lumapit sa akin dahilan upang mapaatras ako. Napahalukipkip si Tita at saka ito sumenyas, lumapit sa akin si Priscila at ginawaran ako ng isang malakas na sampal. Damang-dama ko ang panghahapdi ng pisngi ko. Napangiwi ako nang pinisil ni Tita ang aking panga. "Magpasalamat ka at kahit hindi kita anak ay iniisip ko pa rin ang kapakanan mo. Napakayaman ng mga Monteverde tapos hihindian mo?" Bakas sa boses nito ang pagkairita. "Isipin mo na lang mabibili mo na ang lahat ng luho mo at magiging isang Monteverde ka na rin," nakangising turan ni Priscila kaya hinarap ko ito. "Ah talaga? Bakit hindi ikaw ang magpakasal?" Pabalang kong sagot at dahil dito ay nakatanggap ako ng sampal mula kay Tita. "You will marry the Monteverde, whoever that old man is-- papakasalan mo siya. Iyan ay kung gusto mo pang makita ang Nanay mo?" Natigilan ako sa sinabi nito. Alam nila ang kahinaan ko. "Yes, that's right, Allison. You will be married to that Old Monteverde while I marry Haze Reidden Monteverde." Napakuyom ako ng kamao, ni hindi ko nga kilala kung sino ang Haze Reidden na pinagyayabang niya. Bumukas ang pinto na ikinabigla namin. Maging sila Tita ay nabigla rin nang bumungad sa harap namin ang kilalang si Don Alberto Monteverde. Agad akong napaluhod sa harap nito saka ko niyakap ang kanan nitong binti. "Don Alberto, parang awa niyo na po, ayaw ko pang maikasal, napakaramni ko pa pong pangarap na nais matupad." Tuluyan na akong naluha. "Pasensya na po--" saad ni Tita sabay hatak sa akin patayo. Napatigil lamang ito nang sumenyas ang Don. "Are you aware that marrying a Monteverde means you will have everything you want in the most easiest and fastest way?" seryosong tanong ng Don. Tumango ako. "Yes, I am aware ngunit may hinihintay po ako," umiiyak kong turan. "Sino?" tanong nito. Agad akong napatingala dito saka ako napahawak sa dibdib nang nakakunot ang noo. Sino nga ba ang hinihintay ko. "H-hindi ko alam. Hindi ko alam," tulala kong turan habang dahan-dahang bumibigat ang aking paghinga. "Hindi ko alam kung sino." Napahagulhol na ako ng iyak, hindi ko alam kung sino ngunit pakiramdam ko ay mayroon akong dapat hintayin. "She's lying, she's been single ever since!" Sigaw ni Priscila ngunit hindi ko na ito nasagot dahil nawalan na ako ng malay. Nagising ako sa hospital nang mag-isa. Binunot ko ang swerong nakatusok sa akin at bumaba ng kama nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. "Stress po ang pasyente at may iilan din siyang mga pasa, ang ilan sa mga ito ay bago pa." Sumilip ako sa kurtina at nakita ko si Don Alberto na nakikipag-usap sa Doctor. "I see. Thank you, Doctor." Tipid na turan ng Don. Agad akong bumalik sa kama nang makitang papunta sa direksyon ko ang Don. Pumasok ito at nagtama ang aming mga mata. "You're awake, how are you feeling?" tanong nito saka ito napatingin sa swerong binunot ko. "Please, Don Alberto--" he cut me off. "Allison, you have to trust me," saad nito saka ito naupo sa kama sa tabi ko, "you need to trust me that you need this marriage more than anything else," seryong ang mukha nito. Napaluha ako nang masuyo nitong hinaplos ang buhok ko. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng init ng isang ama na ipinagkait sa akin ng sarili kong ama. "Pero--" "Pero ano?" tanong nito. "Pero matanda na po kayo, ayaw ko pong mabyuda ng maaga," saad ko saka napahagulhol ng iyak. Hindi nakawala sa paningin ko ang pagkabigla sa mukha ng Don. Ilang minuto rin itong nakatulala saka ito napatayo. Kinuha nito ang baston at ipinalo sa balakang at sa braso ko ng dalawang beses dahilan upang mapaiwas ako at mapatakbo ngunit hinabol niya ako. "Insolente!" Sigaw nito saka kami naghabulan sa loob ng silid. "Bakit po kayo nagagalit nagsasabi po ako ng totoo. Sorry po! Waaah" Humihiyaw kong turan habang pilit na umiiwas dito. Umakyat pa ako sa ibabaw ng kama ngunit sino bang mag-aakalang nae-extend pala ang tungkod nito. "Halika ditong bata ka!" Sigaw ng Don. "Anong klaseng tungkod 'yan humahaba po? Sorry po!" Naghalo na ata ang luha at sipon ko sa kakaiyak. Buti na lang at pumasok si Mamang butler at inawat niya ang Don. Ilang minuto matapos ang habulan namin ng Don ay payapa kaming nakaupo sa harap ng isa't-isa habang inaabot ko sa kanya ang baso ng tubig. "Akala ko po kasi'y kayo ang pakakasalan ko," nahihiya kong turan. "Sino bang nagsabi sa 'yo na ako at isa pa, ayaw ko sa 'yo." Napangiwi ako sa narinig. "Sorry na po." "Mga type ko yung mga malalaki ang sus*," patuloy nito habang ikinukumpas pa sa tapat ng dibdib nito ang dalawang kamay na animo'y may nilalamas. "Grabe ka naman manong," pabulong kong turan saka pasimpleng inayos ang damit na tumatakip sa 'di kalakihan kong dibdib. "Tapos malaki ang balakang," patuloy nito habang tila ba nakatingin sa malayo, "at siguro nasa 40's ang edad, 'di kasi ako pumapatol sa mga bata," dagdag pa nito saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Napangiwi na lang ako saka napakamot ng leeg. Magsasalita na sana ako nang bigla kong maalala si Tita. "Ah, so crush niyo po ang tita ko?" nakangisi kong turan. "Apo, magrereto ka na man lamang-- gandahan mo naman, para namang bangkay iyong tiyahin mo na kakabangon lamang sa hukay," seryoso nitong komento na ikinatawa ko. "Sige na, bumalik ka na sa kama o ibabalik kita dun sa tiyahin mo," aniya habang nagsisindi ng sigarilyo. Agad kong kinuha ang sigarilyo mula sa bibig nito at pinatay. Tila naman nabigla ito at sinundan ako ng tingin na puno ng katanungan. "Bawal po manigarilyo, una nasa hospital kayo, pangalawa medyo may edad na po kayo," saad ko. "Tsk, pati ba naman dito, nakatakas na nga sa kambal ko'y-- o siya, sige aalis na ako," hindi ko man naintindihan ang ilan sa mga sinabi nito ay hinatid ko na lang ito sa pinto palabas ng silid nang tumayo ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD