JUSTIN'S POV Alam kong hindi ganoon kadaling magpatawad kaya naman inintindi ko si Janina ng hindi niya ako sinipot sa dinner date namin. Lumong-lumo man ako ay hindi ako pinanghinaan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makalapit sa kaniya. I know she already told me to stay away from her, but I can't. Nagawa ko siyang tiisin ng madaming taon pero ngayon hindi na. Siya na ang buhay at mundo ko. Ang kasiyahan ko at ang nagmamay-ari ng buhay ko. Naisip kong dalhin sa kaniya ang ilang paso ng iba't ibang kulay ng rosas na nakalagay sa garden ng rooftop. Naalala ko noong nililigawan ko siya, hindi mapapantayan ang kasiyahan sa kaniyang mukha sa tuwing binibigyan ko siya ng namumulaklak na halaman. Sana gusto pa din niya iyon. Pero paano ko iyo

