Irish POV Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko sa bahay ni Collin ng makapasok kami. Maingay at nagtatawanan sa loob na tila nagka-kasiyahan ang naabutan namin na bumungad sa mga mata ko. Nanlalaki ang mga mata na napatakbo ako palapit sa Mama at Papa ko na kausap ng dalawang may edad din na babae at lalaki habang kalong ang batang anak ni Caroline. "Mama," emosyonal na sabi ko matapos mabilis akong sumugod ng yakap dito. Na miss ko sila sobra, pati na rin ang mga kapatid ko. Bumitaw ako sa Mama ko at mabilis na yumakap sa Papa ko na ngayon ay maayos na nakatayo at nakakapagsalita hindi gaya ng sinabi noon ni mama na na-stroke ito at paralizado ang kalahati ng katawan. "Masaya po ako na makita kayo," naluluha sa galak na sabi ko sabay yakap ulit dito at kalaunan ay naging group hug n