Irish POV Namumula ang mukha na nakaupo ako katabi ni Collin dito sa sofa sa loob ng hospital room ni Don Pablo. Maigi na lang at tulog ito dahil baka tanungin ako kung bakit maya't maya ay nag-iinit ang pisngi ko. Sinulyapan ko ang katabi ko na relax lang habang may kausap sa cellphone nito. Inutusan kasi nito si Felix na ihanda ang pera at magkita mamaya sa labas ng ospital para tumuloy na kami sa hacienda ni Don Pablo upang ibigyan ang sahod ng mga tauhan ng Don. "Hey, ayos ka lang?" marahang sabi ni Collin sabay pisil sa hita ko. Muntik na akong mapatayo sa ginawa nito kaya nabaling dito ang paningin ko. "Ayos lang ako," mahinang sabi ko. Ayaw ko kasing makagawa ng kahit anong ingay dahil magigising ang Don. "Parang hindi eh," nakangiti na sabi nito sabay haplos ng pisngi ko. T