Luke’s POV Alas syete pa lang ay tapos na ang lahat. Tapos na akong magbihis at mas lalong tapos na kaming kumain. But I am still in the living room waiting for Amber. Pakiradmam ko ay isang araw na siyang naroon sa kuwarto at nagbibihis. Balak ba niyang ubusin ang oras roon sa pagbibihis lang? Hindi ba siya excited na malaman ang result ng pregnancy test niya sa mismong clinic ni Doc. Fernandez? Kung hindi siya excited puwes ako ay excited. Excited na excited! Dahil sa inip ay hindi ko na maiwasan pa ang tumayo saka mabilis na nagtungo sa kuwarto para puntahan ang babaeng iyon. Sa tagal ng hinintay ko sa sala ay baka hindi ko na namalayang natulog na pala ulit iyon doon, hindi ko lang talaga alam. Naging mabilis ang paghakbang ko pabalik sa bedroom. Hindi naman nakalock ang pinto kaya

