Amber’s POV Kinabukasan, paggising ko ay walang ibang unang pumasok sa aking isipan kung hindi ang harapin ang panibagong hamon ng aking buhay. Hindi ko alam kung saang banda na naman ako magsisimula ngunit isa lang ang alam ko at iyon ay ang maghanap ng panibagong trabaho. indi ko alam kung Alas sais pa lang ay gising na ako. Unang hinalungkat ko ang mga stock resume ko sa cabinet saka ang ibang mga kakailanganin ko sa pag—apply ng trabaho. Alam ko namang sobrang hirap talaga kung maghanap ng trabaho. Wala sana sa plano ko ang umalis sa kompanya nina Luke ngunit paano ako mananatili roon kung alam kong nandoon siya at anumang oras ay maaaring muling magkakatagpo ang aming landas. “Amber, hija. Ang aga mo yatang nagising? Hindi ba na—approved ang resignation letter na ipinasa mo kahap

