Kabanata 43 •CHARM POV• Halos maubos na ang laway ko kakalunok habang nakaupo dito sa tabi ni Sir Adam, hindi ko s'ya magawang matingnan o kaya ay masulyapan man lang dahil alam 'kong titingnan lang ako nito ng masama. "Grabe ang ganda naman talaga dito, ang bango at ang lamig pa. Ang sarap siguro dito magparaos kesa 'don sa ilalim ng puno." Napapikit ako ng sobra, sa totoo lang ay halos lumubog na ang mata ko kakapikit dahil sa hiya. "Diba Charm?" Napatingin ako sa likod nang magsalita muli si Aca, nakamalag ito saakin at tila baliwala lang sa kanya ang kanyang sinambit. "Aca," bulong ko habang naguumapaw na ako sa inis at hiya, kita ko naman si Ica na parang wala na sa wisyo dahil karir na karir n'ya ang pag upo sa malambot na upuan dito sa kotse. Narinig ko naman ang pagsing